T W E N T Y - T W O

2.6K 187 80
                                    

That day was my last encounter with Santino. It exacerbates the pain in me.

I understood him well. Alam kong dahil sa pagtawa ko ay naapakan ko ang ego niya bilang lalaki. Pagkatapos niyang magkaroon ng lakas na loob na sabihin sa akin ang nararamdaman niya ay tinawanan ko lang siya.

Pero iyon nga ba ang totoong dahilan kaya siya galit na umalis?

O baka naman, umalis siya dahil natapakan ko lang ang ego niya. Dahil natalo siya sa larong siya ang gumagawa.

Sino ba ang binibiro ni Santino? Siya magkakagusto sa isang gaya ko? Hindi na ako madadaan sa ganyanan. Alam ko na ang likaw ng bituka ng mga lalaking kagaya niya.

I know his tribe, I know exactly what he can do.

"Chef, sabi ni Kuya Santi ayos lang daw po ba sa inyo na isang buwan na lang ang huli niyang trabaho sa inyo?" tanong ni Zerine.

Tumigil ako sa ginagawa. Tumaas ang kilay ko saka hinarap siya.

"Bakit ikaw ang nagsasabi niyan at hindi siya?" I asked her coldly.

Naging mailap ang mga mata niya. "Hindi ko po alam, Chef. Inutusan niya lang po ako."

"Great. Then, tell him that if he wants to resign, talk to me properly and face me." Bumalik ako sa pagmamasa ng flour.

She sighed. "Sige po, Chef."

Bumuntong-hininga ako nang marinig na malayo na si Zerine. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na pinagtsitsismisan ako ng mga empleyado ko pagkatapos nilang mapansin na may kakaiba sa aming dalawa ni Santino. Ngayong hindi na kami nagpapansinan at hindi na dumidikit si Santino sa akin ay mas lalo pang umugong ang mga haka-haka nila. Nagbibingi-bingihan na lang ako dahil nakakapagod na ang makinig.

Nitong mga nakaraang araw ay palaging magkasama sina Santino at Miriam. Alam na alam ko 'yon dahil kahit pa dito sa loob ng restaurant ko ay magkasama sila. Hindi ko nga alam kung totoo bang may trabaho itong si Miriam dahil araw-araw itong nandito. Hindi naman siya nag-apply kaya alangan namang bigyan ko siya ng sweldo.

Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ay nasasaktan ako. Paulit-ulit na sakit.

Hindi ko kasi mapigilang sisihin ang sarili ko sa kadahilanang hinayaan ko ang puso kong mapalapit at lumambot kay Santino.

Oo nga at walang matigas na tinapay sa mainit na kape, pero kapag nilagay sa freezer ang tinapay sigurado naman akong titigas ulit.

Walang kwentang kasabihan.

Nakarinig ako ng tikhim sa likod ko. Sobrang pamilyar noon sa akin kaya kahit pa hindi ko siya lingunin ay kilalang-kilala ko na.

Hindi ko mapigilang mangulila sa amoy niya sa tuwing mapalapit sa akin. Sa presensiya niya na nagbibigay init sa puso ko.

Sayang lang at hindi siya pwedeng manatili. Masakit man pero hindi ko siya hahayaang mas lalong sirain ang matagal ko nang pinaghirapang pader na nakaukit sa puso ko.

"Heard you wanted to resign after one month." Simula ko. "Matagal ka na dapat na nag-resign. Isang buwan lang ang ibinigay ko sayo at magta-tatlong buwan ka nang nagtatrabaho sa akin."

"Naisip ko lang na tapusin ang buwan na 'to bago ako mag-re-resign. Huwag kang mag-alala pagkatapos ng buwang 'to, hindi mo na ulit ako makikita." Sobrang lamig ng boses niya na nagpatayo ng mga balahibo ko.

Hindi ko pa narinig na lumamig si Santino. At ngayong naririnig ko na siyang ganito, parang ayokong makita ang sinasabi ng mga mata niya. Natatakot akong ma-yelo.

"Hindi kita pinapaalis, Santino. Ikaw ang nagkukusa. Wala akong sinabing ayaw na kitang makita." Pero natatakot na ako. "Pero hindi rin naman ako mag-aaksaya ng oras para lang magpaliwanag sayo tungkol diyan sa sinasabi mo."

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon