T H I R T Y - E I G H T

3.4K 202 12
                                    

“Hey, Ate Froze! I brought you milk and cookies. Hope you like these!” Malakas ang boses na wika ni Devon nang makapasok sa bahay.

Tinaasan ko kaagad siya ng kilay. Napatingin ako sa bitbit niyang pagkain. Agad naman na kumalam ang sikmura ko.

“Anong cookies ‘yan? Healthy ba?” tanong ko.

“Kahit naman hindi ‘to healthy sigurado akong kakainin mo pa rin, eh,” aniya.

“Sabagay. Ano nga ‘yan? Masarap ‘yan? Hindi masama ang lasa? Walang bawang?” Sunod-sunod kong tanong.

“Cookies with crunched oreo, chocolate cookie with blueberry and vanilla cookie with crunched chocolate,” aniya. “And I bought you donuts too. Oh, and don’t forget the milk.”

I nodded. “Alright. Akin na, kakainin ko. Gutom ako, eh.”

“Lagi ka naman talagang gutom. Wala naman nang bago doon.”

Inilapag niya ang mga pagkain sa mesa. Naupo siya sa tabi ko. At siya pa ang naunang kumuha ng pagkain na dapat sana ay para sa akin.

“So, ano na naman ang ginagawa mo rito? Akala ko ba ay doon ka na ulit sa bahay mo? Ba’t nandito ka na naman?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Wala, feel ko lang na bumisita rito. Dad told me to visit you since he’d be very busy. He’s going to Hong Kong for his business meeting with a known businessman. So, he reminded me to always check on you. Actually, he asked me to stay here in your house until he came back,” aniya habang ngumunguya ng cookies saka sinasawsaw niya sa gatas.

I rolled my eyes. “Hindi na ako bata, Devon. Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka sinabi nga ‘yan ni Tatay sa’kin pero sinabihan ko naman siya na ayos lang ako. Pero syempre gaya mo, hindi rin siya nakinig sa akin. Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyo na ayos lang ako?”

“We can’t help but be worried on you, Ate. You’re pregnant. Kailangan ka naming bantayan. Besides, what we’re doing is just for you. Kaya huwag na rin matigas ang ulo mo, Ate. Pare-parehas lang naman tayong tatlo, matitigas ang ulo.” Tawa niya.

Sumimangot ako. “Ang kulit mo kasi. Sabing okay lang ako. Anyway, sa susunod kung pupunta ka rito sa bahay ko o kaya kung maiisipan mo ‘kong bisitahin, siguraduhin mong dalhan ako ng cupcakes, okay? Gusto ko ‘yung strawberry cupcakes. Gusto ko rainbow ang dough na gagamitin. Kapag hindi, hindi ko ‘yan kakainin.”

He laugh. “Ate, I’m a future doctor not a chef. Paano ko gagawin ang gano’n?”

“Ikaw bahala. Basta dalhan mo ‘ko ng gano’n. Hindi ako kakain kapag iba,” sabi ko.

“Well, I can order naman. Maybe from your crew?” aniya.

“Huwag! Ayoko! Amoy bawang ang mga empleyado ko. Ayoko! Magduduwal na naman ako!” Simangot ko.

He laugh. “Sila lang ang amoy bawang, hindi ang e-be-bake nilang cupcakes. Anyway, anong ginagawa mo rito habang mag-isa ka? Just sitting here on your sofa and doing nothing? Ni-hindi mo nga ni-on ang TV.”

“Ayoko ng maingay, eh. But then, sa kamalas-malasan ko, dumating ka. Kaya ito at kailangan kong magtiis sa boses mo.” Irap ko.

Tumawa siya. “Should I tell that to Dad? Alam mo na, magka-boses kami ni Dad. Siguro ay inis ka rin sa boses niya kapag nandito siya. Tapos tinitiis mo lang din. Sasabihin ko ‘to sa kanya.”

“Go on. Totoo naman. Ang iingay ninyong dalawa. Hindi kayo mapakali palagi. Excuse me? Hindi na ako bata!”

Kinain ko ng buo ang malaking cookie. Wala, eh. Gutom ako, eh.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon