T W E N T Y

2.8K 183 36
                                    

“Taxi!” Sigaw ko.

Agad namang tumigil ang dilaw na taxi sa harap ko. Basang-basa ang katawan na pumasok ako sa sasakyan. Wala akong pakialam kahit pa mabasa ang loob ng taxi.

Pinunasan ko ang basa kong luha. Ramdam ko na ang lamig sa katawan ko.

“Ahm… saan kayo, Ma’am?” tanong sa akin ng taxi driver.

“Sa Cupid’s bar,” sagot ko. Paos na paos na ang boses ko.

Agad naman niyang pinasibad ang taxi. Wala akong ginawa kundi umiyak. My heart felt so sore as much as how my eyes and throat sore.

Dahil sa tindi ng kakaiyak ko ay hindi ko na napansin na nakarating na pala kami sa harapan ng bar. Mabilis akong bumaba saka binayaran ang taxi. Saka mabilis na pumasok.

I went near the counter and seated. I didn’t even cared if I’m soaking wet with the rain. All I cared was to be drunk and take away my pain.

“Hard drink.” Paos kong utos sa bartender.

“Para saan, Madam? Tsaka ba’t basang-basa ka?” Napataas ang tingin ko nang marinig ang boses ni Santino.

I glanced at him. Tumaas ang kilay ko nang mapansing siya nga at hindi ako pinaglalaruan ng isip at pandinig ko.

Nag-iwas ako ng tingin when I noticed that his eyes settled on mine. I know very well that he noticed it. Maaga pa naman kasi.

“Umiyak ka ba?” tanong niya.

“Just give me a hard drink, Santino. And stop asking,” saad ko.

The pain never subsided. Mas lumala ngayong nandito na naman si Santino. Bumalik na naman sa ala-ala ko ang ginawa nila ni Miriam.

Alam kong wala akong karapatan, but does being hurt needed to have a proper right?

Bumuntong-hininga siya. “Bibigyan lang kita kapag sinabi mo,” aniya. I could feel how frustrated he was but I didn’t care.

“Ano ba’ng pakialam mo?” Asik ko. Namamaos lalo ang boses ko.

“Alam kong wala akong karapatan, Madam. Pero gusto ko lang naman na gumaan ang kalooban mo. Hindi gagaan ang kalooban mo kung maglalasing ka,” aniya.

“You don’t know a thing, Santino. Lumaki akong alak ang palaging hawak ko. Alak ang naging kakampi ko. Kaya huwag na huwag mong isumbat sa akin na hindi makatutulong ang tanginang alak na ‘to! Dahil sa buong buhay ko, ang alak lang ang nanatili sa akin.”

“Pa’no naman ang mga kaibigan mo?” he asked. “Nanatili rin naman sila sayo, diba? Bakit hindi mo sila makita? Bakit hindi mo sila kausapin kung masakit na talaga?”

I chuckled wryly. “Because I don’t want to bother them. May sarili silang problema, ayokong dagdagan pa.”

“Hindi ka abala para sa kanila, Madam. Kaibigan ka nila kaya bakit ka magiging isang abala?”

“Because I’m horrible. I’m heartless. I’m cold as ice. I’m miserable. They don’t deserve to be bothered just because of the miserable me,” sagot ko.

My heart ached. The thought of my best friends flash in my mind. Alam kong hindi ako naging isang mabuting kaibigan sa kanila. I showed every bits of my darkness to them but still… they stayed.

Pero hanggang doon na lang ‘yon. Ayoko nang palakihin pa. Tama nang nakita nila ang halimaw ko, ayoko nang dagdagan pa.

“Walang kaibigan na matutuwa kung wala kang sinasabi sa kanila. Ang isang tunay na kaibigan matutuwa kapag sinasabihan ng mga bigat sa puso mo,” aniya. “Ikaw. Tinuturing mo ba silang mga kaibigan?”

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon