T W E N T Y - T H R E E

2.6K 206 110
                                    

Kinabukasan ay hindi ko na nakita pa si Miriam na bumalik sa restaurant ko. Pati si Santino ay hindi ko nakita. Siguro ay dahil kasama ito ni Miriam.

Pansin ko rin na madalas nang dumidikit sa akin sina Zerine at Rouke. Sina Larou at Robin naman ay unti-unti ko na rin na napapansin ang pagiging makulit nilang dalawa.

Nakakatuwang isipin na naging malapit sila sa akin dahil sa insidente kahapon. Hindi ko lubos akalain na sa ganoong paraan lang pala mapapalapit sa akin ang mga taong ito.

The pain is still there though. And sakit na hatid ni Santino sa puso ko ay naririto pa rin pero tinitiis ko na lang. Sigurado akong masasanay lang din naman ako sa sakit tsaka makakalimutan din.

"Oh, anong ginagawa ninyong dalawa rito?" tanong ni Zerine kina Robin at Larou. Kapwa silang nasa loob na ng kusina at papalapit sa amin.

"Wala lang. Marami ba masyado ang gawain rito? Tutulong na kami. Wala naman kaming masyadong ginagawa sa labas, eh." Nakangiting sabi ni Larou.

"Oo. Tsaka, baka kasi hindi pa pwedeng magtrabaho si Chef. Para naman makapagpahinga ka, Chef, " ani Robin.

Tipid akong ngumiti saka napailing. "Ayos lang ako. Hindi naman masyadong malakas ang impact sabi ng doctor. Kaya ko namang magtrabaho. Pero, marami-rami nga ang kailangang gawin ngayon lalo pa't may nagpapa-deliver na naman para sa isang birthday celebration. Kung gusto niyong tumulong, dito kayo at kayo ang magmasa nitong mga harina."

Agad namang tumango ang dalawa saka sumunod. Tumayo sa gilid namin ni Zerine.

"Ituloy niyo 'yan. Ako na ang magtitimpla. Zerine, paki-blend ng lahat ng 'yan." Utos ko. Tumango naman agad si Zerine.

"Chef, ito na ang mga itlog. Tsaka, naririto na rin ang mga chocolate chips. Para saan po ba ang mga ito? Hindi naman natin ito ginagamit dati," tanong ng kakarating pa lang na si Rouke.

"Bagong recipe. Tumulong ka na rin dito dahil sa susunod na araw na ang celebration na pag-de-deliveran nito. Kailangan natin itong matapos," wika ko.

Tumango siya. Nilagay niya ang mga ingredients sa tray. "Ilan po ba ang kailangang gawin, Chef? Masyado po ba talagang marami?"

I nodded. "Oo. 100 boxes of donuts on steak, 100 boxes of mini-pizzas, 100 boxes of cake in mug, 100 boxes of pancake with chocolates chips and 100 boxes of burger with cheese buns."

Napaawang ang labi nilang apat. Nanlalaki ang mga mata nila habang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Chef, sigurado ka ba na matatapos natin 'yan? Ang dami, ah. Hindi natin matatapos 'yan kung sa susunod na araw na ang delivery," saad ni Rouke.

Umirap si Zerine. "Matatapos 'yan. Lima tayong nagtutulungan, oh. Kapag mabilis lang ang kilos talagang matatapos tayo. Tsaka, hello? Ang dami kaya nating mga kasama rito sa kusina. Pwedeng-pwede namang humingin ng tulong si Chef sa kanila."

Umirap din pabalik si Rouke. "Hindi ikaw kausap ko. Si Chef ang tinatanong ko."

Umirap ulit si Zerine. "Binibigyan lang kita ng common sense kasi mukhang wala ka no'n. Duh?!"

Nagpalipat-lipat ang tingin namin nina Larou at Robin sa kanilang dalawa. Talagang may napapansin akong something sa kanilang dalawa, eh.

"Huwag na. Sayo na lang ang common sense mo, ayokong magkaroon ng common sense na galing sayo." Irap ni Rouke.

"Alam niyo, mas mabuti siguro kung magsimula na tayo sa paghahanda, 'no? Para matapos na tayo agad lalo pa't marami ang gagawin natin." I interrupted.

Nag-irapan silang dalawa tapos ay humarap si Zerine sa akin. "Sige, Chef. Magsimula na tayo."

"Tapos ko na pong masahin ang mga ito, Chef. Ano pa po?" tanong ni Robin.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon