S E V E N T E E N

3.1K 210 53
                                    

Another month passed way fast. Naging abala ako sa birthday celebration ni Nikki. Gaya ng nakasanayan, ako ang nagluluto ng mga kailangang ihanda sa birthday niya.

“Basta, Ayen, ha… isama mo si Santino.” Nikki giggled. She’s on the other line. We’re talking through skype.

I rolled my eyes. Ever since she saw Santino, kinukulit na niya ako palagi na isama si Santino sa birthday party niya. Um-oo na lang din ako dahil birthday naman niya ‘yon, karapatan niyang mang-imbita.

“Paulit-ulit?” saad ko.

Tumawa siya. “Kasi kinikilig ako sa inyong dalawa, eh. Feel ko ‘yong chemistry, eh. Alam mo ‘yon?”

“Hindi.”

Umirap siya. “Ah basta, isama mo siya. Dapat ipakilala mo siya sa mga kaibigan natin.”

“Kilala na siya ni Phaebe,” saad ko.

“Edi, kay Harriet natin siya ipakikilala,” aniya.

“Bakit kailangang ipakilala pa siya?” tanong ko.

“Akin-akin na ‘yon. Siya, sige na. Bye! Kailangang mas maaga kang makarating kaysa sa mga bisita, okay? Ikaw pa naman ang mag-aasikaso sa mga pagkain. Tsaka, wala pa ang mga pagkain dito sa bahay, ah,” wika niya.

I sighed. “Oo, maaga akong pupunta diyan. Alas dos pa lang ng umaga, Nik. Don’t expect me to show my face at this time.”

She laughed. “Oo na. Bye!” The call ended.

Napapailing ako nang mawala na ang tawag. Napatingin pa ako sa wall clock sa loob ng kwarto ko.

“Alas dos pa lang ng umaga at tumawag na ang babaeng ‘yon. Hindi naman siguro niya ine-expect na darating ako doon ng alas dos, ‘no? Di naman halatang excited siya.” Bulong ko sa sarili ko.

Muli akong nahiga sa kama para muling matulog. Saka ko na lang iisipin ang sasabihin para sa pag-imbita kay Santino. Mamaya na paggising ko.

Next morning, I hurriedly prepared my things. Tinawagan ko muna saglit si Santino para pumunta siya sa bahay. I also called my employees to ready the foods.

When everything’s set, I told my employees to bring the foods to the Lareho Residence. Now all I have to do is wait for Santino to come.

Kunot-noong nakaupo ako sa sofa ko sa living room. Paminsan-minsan kong sinisipat ang wristwatch ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin dumadating si Santino.

“Nasaan na ba ang lalaking ‘yon? Male-late na ako.” Bulong ko.

Kapag dumating ‘yon, tatadyakan ko siya. Tinawagan ko na nga para malaman niyang pinapapunta ko siya pero ito at late pa rin!

“Madam!” Napairap ako nang marinig ang boses niya mula sa labas ng bahay.

But then, I must admit that I got really excited when I heard his voice. Sa hindi ko malamang dahilan ay natutuwa ako ngayong dumating na siya.

Humalukipkip ako at dumekwatro. Hinintay ko siyang pumasok sa bahay.

Hindi naman ako nabigo dahil bumungad agad ang mukha ni Santino.

“Where have you been? Diba, sabi ko agahan mo ang pagpunta?” Bungad ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Naglakad siya palapit. He looked really dashing on his gray long-sleeved polo tucked in his dark blue jeans and rolled up to his elbow. Pinaresan niya ito ng puting sapatos na mas lalong nagpagwapo sa kanya.

“Eh, kasi, Madam… hinalughog ko pa ang buong bahay namin mahanap ko lang itong long-sleeves ni Tatay.” Frustrated niyang sabi. Naupo siya sa tabi ko tapos ay sumandal sa sandalan. “Hay! Grabe! Doon lang pala tinago ni Tatay sa lumang kaban niya.”

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon