F O U R T E E N

3.1K 234 25
                                    

I went out of my car when I arrived in front of my restaurant. Sinara ko ang pinto saka nilingon-lingon ang paligid.

Tumingin ako sa loob ng restaurant. Marami na naman ang customers. Kapag ganito kaaga ay marami na agad ang customers sa restaurant ko. ‘Yung iba ay para mag-breakfast ang iba naman ay drive-thru.

Pumasok ako sa loob. Agad akong binati ng mga employees ko. Just like the usual, I just nod and remained blank.

Pumasok muna ako sa opisina saka nilagay doon ang bag ko. Tapos ay lumabas at ulit saka ni-lock ang pinto.

“Madam! Good morning!” Bulalas ni Santino sa harap ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Good morning.”

Ngumiti siya. “Wala ka ba’ng napapansin sa akin?”

I blinked. I raked my eyes around his body. Then it stopped on his hair.

Bagong gupit na siya. Mas maiksi na ang buhok niya ngayon at undercut. Ang may kahabaan lang ay ang sa noo niya na umaabot pa sa kilay niya.

Well, I must admit. Bagay sa kanya ang gupit niya ngayon. Mas nagpa-gwapo sa kanya.

“Uh… you’ve got a new haircut,” sagot ko.

Kumindat siya sa akin. “Gwapo ko, ‘no?”

“Hindi naman,” saad ko kahit namumula ako.

Umawang ang labi niya. Suminghap saka hinaplos ang dibdib.

Napairap na ako kahit wala pa man. Magdadrama na naman siya.

“D-Darling, n-nasasaktan ako.”

Umirap akong muli. Naglakad ako ulit. “Get back to work, Santino.”

“H-Hindi mo na ako m-mahal? P-Paano ang mga anak natin? I-Isang dosena pa n-naman ‘yon. P-Paano ko sila palalakihin ng ako lang mag-isa?!”

I sighed. “Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Bumalik ka na sa trabaho.”

“Ayoko nga, Madam,” saad niya.

Hinarap ko siya saka humalukipkip. “Babalik ka sa trabaho o tatanggalin kita?”

Ngumisi siya. “Malaki pa utang ko sayo. Hindi mo pa ako pwedeng tanggalin. Pero, sige. Babalik na ako sa trabaho baka masuntok mo pa ako at masira na naman ang matangos kong ilong.”

Paatras na naglakad siya. Kumakaway pa sa akin na para bang ang layo ng pupuntahan niya.

Bumuntong-hininga ako saka pumasok na sa kusina. Binati agad ako ng mga kasama ko. Tinanguan ko lang sila.

“Chef!” Tawag sa akin ni Zerine.

Nilingon ko siya. Gaya ng dati ay naroroon na naman ang malaki niyang eyeglass. Gaya ko ay nakasuot rin siya ng chef’s uniform.

“Yes?” sagot ko.

Humagikhik siya. “Alam mo ba na kanina ka pa hinahanap ni Kuya Santi?”

Kumunot ang noo ko. “Bakit raw? Tsaka, nagkita na kami. Ngayon-ngayon lang.”

Nagkibit-balikat siya. “Ewan ko po. Pero talagang hinahanap ka niya. Kanina pa siya hanap ng hanap sayo kahit kakarating pa lang niya. Tapos nakasimangot siya no’ng pumasok siya sa restaurant. Tapos biglang umaliwalas no’ng dumating ka.”

Tumaas ang kilay ko. Ano kaya ang kailangan ng lalaking ‘yon? Dapat sinabi niya agad sa akin.

“Wala naman siyang sinabi no’ng nag-usap na kami,” wika ko.

She giggled. “Baka nahihiya, Chef.”

Nagkibit-balikat ako. “Baka nga.”

Hindi ko mapigilang magtaka kung ano ang kailangan ni Santino sa akin. Hindi naman niya sinabi no’ng nagkausap na kami. O baka talagang nahihiya lang dahil sinadya niya talagang lumapit sa akin. ‘Yon nga lang wala siyang sinabi.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon