T H I R T Y - F O U R

3.3K 193 33
                                    

Warning: R-18

Nauna na akong nahiga sa lapag. Mabuti pang matulog na lang ako kaysa sa magpakain sa inis na dulot ni Santino. Baka sa susunod ay totoong matarak ko na nga sa kanya ang kutsilyong naroroon sa kusina.

Pero kakapikit ko pa lang ng mata ko nang marinig ko ang pagsipol-sipol ni Santino habang papasok sa kwartong kinaroroonan. I went alerted.

Oo nga pala. Sinabi ko sa kanya na dito na siya matulog sa kwarto kasama ko. Bakit ko nga ulit sinabi ‘yon?

“Madam?” Tawag niya sa akin.

“Shut up, Santino.”

“Wala pa nga akong sinasabi.” Bulong niya.

Naramdaman ko ang pagpasok niya sa kwarto. Naupo siya sa tabi ko kung saan ang space na inilaan ko para doon siya humiga.

“Madam, matutulog ka na?” tanong niya.

“Oo.”

“Okay. Goodnight,” aniya.

Akala ko ay kukulitin niya pa ako. Kaya napahinga ako ng maluwag nang hindi na niya ako kinulit.

Pero napamulat ako bigla ng mga mata nang maramdaman ang mga braso ni Santino na unti-unting sinakop ang bewang ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang hininga niya sa batok ko.

Agad akong napabangon saka tinampal ang braso niya. Habang siya ay nanatiling nakahiga. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Tumigil ka, ha?” Banta ko.

“Bakit? Payakap lang,” aniya.

Bahagya siyang bumangon saka iniyakap ang mga braso sa bewang ko. Napahiga ako nang hilahin niya ako pahiga.

Nakaharap ako sa kanya kaya malaya kong nahampas ang dibdib niya. “Bitawan mo nga ako, Santino! Magpapahinga ako! Ano ba?!”

Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko na nagbigay ng kiliti sa akin. Napahawak ako sa buhok niya saka sinabunutan siya.

“Santino, ano ba?!” Singhap ko.

“Saglit lang, Madam. Papahinga lang ako.” Bulong niya.

Napabuntong-hininga ako. “Santino, gusto ko na rin na magpahinga kaya bitawan mo na ako.”

“Bakit? Hindi ka ba makakapagpahinga kung yakap kita?” tanong niya.

I went silent. Matagal ko nang pangarap na sana ay mayakap kita sa gabi nang hindi ako lasing, Santino. Pero ang natatakot na naman ako. Natatakot na naman akong masaktan.

“Nasasaktan ako, Santino.” Bulong ko.

Tumingala siya sa akin. May lungkot na nakaguhit sa mga mata niya. “Nasasaktan ba kita?”

Tumango ako. “Oo. Nasasaktan mo ‘ko.”

Inilapat ko ang dalawang palad sa dibdib niya. Magkaharap kami habang yakap niya ang bewang ko. Magkalapit ang mga mukha namin at kaunting galawa lang ay magkakalapat na ang mga labi namin.

“Naguguluhan ako sayo, Santino.” Bulong ko. “Hindi ko alam kung ba’t mo ‘to ginagawa? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Pinaglalaruan na naman?”

Kumunot ang noo niya. “Ano ba ang sinasabi mo?”

“Sinukuan mo na ako, diba? Gaya ng iba… sumuko ka na rin sa akin. Kaya bakit ka pa naririto? Bakit mo ‘to ginagawa? Baka nakakalimutan mo na nandito tayo dahil sa trabaho, hindi dahil kailangan nating ibalik ang mga panahong naiwala natin.”

Umigting ang panga niya pero hindi naman siya mukhang galit. Mas lalong naging halata ang lungkot sa mga mata niya.

“Gusto ko kasing bumawi, Madam. Oo at sinabi mo na sa akin na kakalimutan mo ang nagawa ko noon. Pero guilty pa rin ako, eh. Alam ko kasi na hindi gano’n kadali na makalimutan ang nagawa ko. Alam ko kasi kung gaano kasakit ang naibigay ko sayo,” aniya. “Gusto kong bumawi kahit pa mahirap. Kahit pa alam kong hindi mo ‘ko tatanggapin. Kasi gusto ko na kapag dumating ang araw na… makikilala mo na ang lalaking mamahalin mo… gusto kong malaman mo na sumubok pa rin ako. Na hindi ako sumuko nang hindi lumalaban.”

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon