T W E L V E

3K 223 31
                                    

One month passed and finally Nanay Laureen finished her operation. Malaking pasasalamat niya sa akin dahil naging successful ang operasyon niya. But I told her not to thank me and thank God instead for making her operation safe and successful. Pera ko lang ang ginamit pero hindi ako ang dahilan kaya naging maayos ang operasyon.

Sa loob ng isang buwan ay palagi kong nakakasama si Santino. Ewan ko ba sa lalaking ‘yon, simula nang magtrabaho siya sa akin ay palagi na siyang nakadikit sa akin. Kung saan ako pumupunta, sumasama rin. Hinahayaan ko na lang dahil ayaw namang magpapigil.

Madalas ko na ring isinasama sina Six at Saki sa bahay. Madalas rin kasi akong nakakapunta sa kanila dahil minsan ay tumatawag sa akin si Saki para papuntahin ako.

I don’t know why I always do anything they asked. May kakaiba talaga sa mga batang ito.

And Savino, I could see him changing. Unti-unti na siyang naging malapit ulit sa Kuya niya at sa mga kapatid niya. Palagi siyang nasa hospital kasama ang Nanay niya.

As of the moment, I am baking something for breakfast. Unti-unti na akong nasasanay na kumain ng umagahan. Hindi nga lang heavy foods, madalas cake, sandwich or cookies.

My phone suddenly beeped. Tiningnan ko kung kanino galing ang text. It’s from Santino.

He said that he’s coming here. May sasabihin daw siya sa akin.

I replied ‘alright' to him.

Nang matapos kong e-bake ang chocolate cake ay inilagay ko na ito sa plato saka nagsimulang kumain.

I heard a doorbell. Alam kong si Santino na ‘yon. Hindi na ako sumalubong sa kanya dahil madalas naman siyang pumapasok sa bahay ng walang paalam.

“Madam!” Tawag niya sa akin.

Nilingon ko siya. Tumaas ang kilay ko nang makita ang itsura niya.

Punong-puno lang naman siya ng putik. Basang-basa ang damit niya at ang buong katawan niya.

“Anong nangyari sayo?” Kunot-noo kong tanong.

He smiled at me. Para ba’ng hindi siya madungis.

“Nakita mo ‘yong kanal sa kanto, Madam?” tanong niya.

I nodded with creased forehead. “Oo.”

“Ako hindi.” Sumimangot siya.

“Bakit naman hindi mo nakita eh ang laki-laki ng butas ng kanal doon?” Kunot-noo kong tanong.

“Nakatingin ako sa cellphone ko, eh kasi tine-text kita! Kung alam ko lang na mahuhulog ako sa kanal sana hindi na lang kita ti-next!” Himutok niya. Magkasalubong ang kilay at lumalaki ang butas ng ilong.

Napakamot ako sa pisngi ko. “Magbihis ka na nga lang para mapag-usapan natin kung ano man ‘yong gusto mong pag-usapan natin.”

Kinamot niya ang ulo niyang basa. “Wala akong extrang damit, Madam.”

Napatingin ako sa kabuuan niya. Basang-basa talaga siya at puno ng putik. Para siyang lumangoy sa putik.

“Ang cellphone mo basa rin?” tanong ko.

Ngumiti siya. “Hindi.”

“Mabuti naman.”

“Basag nga lang.”

Kumurap ako. “Nasira ang cellphone mo?”

Tumango siya saka ngumuso. “Oo. Nabitawan ko kasi no’ng nahulog ako. Tapos sa semento bumagsak. Ayon, basag!”

“Teka, hintayin mo ‘ko rito,” saad ko.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Sa kwarto.”

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon