T W E N T Y - F O U R

2.6K 204 67
                                    

Lumuluhang umuwi ako sa bahay. Ramdam ko ang paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Nasanay na akong inaapak-apakan ang pagkatao ko. Nasanay na ako simula pa lang sa Nanay ko. Nasanay na ako kahit pa sa ibang tao. Pero hindi ko akalaing mas masakit ngayong si Santino ang umaapak sa pagkababae ko.

Sa tindi ng sakit ay pinipilit kong palinawin ang mga mata ko dahil sa panlalabo ng mga mata ko. Oo nga at masakit ang mga pinaranas sa akin ngayon pero hindi naman ako magpapakamatay. Masyado pa akong bata para doon.

Binilisan ko ang pagmamaneho. Gusto ko lang na makarating sa bahay ko at magpahinga. Umiyak hanggang sa makatulog sa tindi ng pag-iyak.

Wala na akong pakialam kung hindi ko matapos ang ginagawa kong mga pagkain para sa birthday celebration ng isang kliyente. Uunahin ko pa ba ‘yon, eh, masyado na akong nasasaktan.

Just as soon as I arrived at my place, I immediately parked my car and went out. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay.

I cried my heart out as I sat on my sofa. Sanay na akong hindi pinapaniwalaan ng lahat. Pero ngayon lang ako umiyak ng umiyak nang dahil sa mga salitang inihusga sa akin. Siguro ay dahil galing kay Santino.

“K-Kailan ba ako papaniwalaan ng lahat? B-Bakit ba palaging ako ang idinidiin sa mga bagay na hindi ko naman ginawa? H-hanggang kailan ba ako papahirapan ng mundo? H-Hanggang kailan ba ito matatapos?” Hagulhol ko.

I lay down on the sofa as I hugged the pillow on my arms. I cried hard, I sobbed hard. I just want the pain to subside. Nothing’s more dreadful than being consumed by pain, fear and loathe.

“I-I just want someone or anyone to stay with me. N-Nakakapagod nang maniwala. Nakakapagod nang umasa.”

I stopped when I heard a doorbell. Nagtatakang bumangon ako. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

The doorbell was replaced by loud knocks. Then I stilled when I heard the voices behind the door.

“Ate Froze? Ate, I know you’re there. I just saw your car!” Devon shouted.

“Anak, Ai? We’re here. Mag-usap tayo! Buksan mo ang pinto. We’re here for you!” I stilled more when I heard my father’s voice.

Mas lalong nagsituluan ang mga luha ko. Ano pa ang ginagawa nila rito? Ano ba ang kailangan nila sa akin? Dagdagan ba nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon?

“Just go away! Hindi ko kayo kailangan! Kaya kong mag-isa!” Sigaw ko. Pinilit kong hindi pumiyok at pinilit kong hindi nila mapansin na lumuluha ako. Hindi ko hahayaang makita nila akong umiiyak.

“Ate, please, open the door! Nandito lang kami para sayo,” ani Devon.

“Anak, Ai, nandito ako. Nandito kami. Please open the door. We will talk about this at sa lahat nang nangyari. Anak, nandito lang kami.” Sigaw ng Tatay ko.

Ngayon pa? Hindi ba parang masyado ka nang huli, Tay? Hindi ba parang masyado na akong nalubog sa kadiliman para iligtas mo ‘ko?

I laugh sarcastically. Muling tumulo pababa sa pisngi ko ang mga luha ko. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

“Kaya kong mag-isa. Umalis na lang kayo. Sanay na akong mag-isa kaya hindi ko na kayo kailangan. Aayusin ko kung ano ang dapat kong aayusin… nang hindi kayo kasama.” Blanko kong sabi.

“Ate, kapag ‘di mo ‘to bubuksan, sisirain ko ang pinto mo.” Banta ni Devon.

I glared at the door, as if I could see them both. “Subukan mo, Devon. Subukan mo at makakatikim ka sa’kin!”

“Buksan mo na kasi para hindi ‘to masira,” aniya.

“Bakit ba kasi kayo nandito?! Hindi ko kayo kailangan!” Sigaw ko. Kunot na ang noo ko.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon