T H I R T Y - T W O

3.1K 201 21
                                    

Expect more 'isang bagsakan updates' from me. Aside sa tamad akong mag-update ng isang chap lang ay minsan lang din ako magkaroon ng load. So, the longer my absence, the more chapters I would be updating.

...

Naiinis na nakapamaywang ako sa harap ng laptop ko. Nagbabasa ako ng emails ng mga engineers na binigyan ko ng offer para gumawa sa bahay ko sa Trivino. Pero lahat ng in-email ko ay dinecline ng mga ito. Lahat sila ay dinecline ang offer ko.

I felt frustrated and bad. “Ganoon ba ako kasama para e-decline ang mga offer ko?” Sapo ang noo na tanong ko sa sarili.

Kung sino-sinong mga engineer na ang nilapitan ko pero hindi tinanggap ng mga ito. Walang tumanggap ni-isa.

Padabog na naupo ako sa upuan ko. Nandito ako sa kwarto ko sa bahay at naiinis dahil walang tumanggap sa offer ko.

Knowing that I’m a famous chef yet walang tumanggap? Nakakabwesit ‘yon!

I immediately called Savino’s number. Nag-ring ito ng dalawang beses bago niya sinagot.

“Hello, babe? Napatawag ka? Na-miss mo ‘ko?” aniya.

Umirap ako. “Bwesit na bwesit ako ngayon, Savino. Walang tumanggap ni-isa sa mga nilapitan kong engineers. Lahat ng sinuggest mo sa akin hindi tumanggap! Ano bang problema ng mga ‘to?! Gano’n ba ako kasama para hindi sila tumanggap ng kahit ano basta tungkol sa akin?! Am I that ruthless?!”

I’ve been a bad woman, I know that. But the mere fact that these people stayed away from me, it goddamned hurt, you know?

He sighed. “Walang problema sayo, babe. Sa kanila may problema. Ang laki nga ng offer mo sa kanila pero ‘di pa rin nila tinanggap. Problema na talaga nila ‘yon.”

“Problema ko rin, Savino. Kasi nga, diba? Magpapatayo ako ng bahay sa Trivino. Paano ako makakapagpatayo nito kung walang tumatanggap sa lahat ng nilapitan ko?” Napasabunot ako sa buhok.

Nakakafrustrate isipin na iniiwasan ako ng mga tao. Masakit isipin na noon mapa-hanggang ngayon, wala pa ring pinagbago ang pakikitungo sa akin ng mga tao. Iniiwasan pa rin nila ako na para bang mayroon akong malubhang sakit.

“Kalma ka lang muna, babe. Makakahanap din tayo. Actually, naghahanap din ako while naghahanap ka. Para sure tayo,” aniya. “Teka, wala ka bang mga kakilalang architects diyan? Sigurado akong may kakilala silang engineer. Ba’t ‘di mo subukang magtanong?”

I stopped. “Oo nga, ‘no? Dapat sinabi mo agad sa akin ‘yan. Ba’t ngayon mo lang sinabi?”

He laugh. “Ngayon ko lang din naisip. Tsaka, feeling ko takot sayo ‘yung mga nag-decline. Ang angas mo naman kasi, babe, eh. Sinong ‘di matatakot sayo?”

Umirap ako. “Nakaka-stress nga, eh. Oh, siya. Maghanap ka na rin diyan. Sabihan mo ‘ko kapag may nahanap ka na. Sasabihin ko rin sayo kapag may nahanap na ko. Tatawagan ko lang si Harriet. Architect ang asawa niya kaya baka may kakilala ito.”

“Sige. Ingat ka diyan, babe.”

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Sige. Ikaw rin. Take care. And enjoy your leave, hmm? Huwag mo masyadong e-stress ang sarili mo nang dahil sa paghahanap ng engineers.”

“Yep, babe. Noted.”

“Sige na. Babye.”

“Babye!”

Agad na namatay ang tawag ko. Mabilis kong ni-scroll sa contacts ko ang numero ni Harriet. Nang mahanap ay mabilis akong nag-dial na agad naman niyang sinagot.

“Hey, Yen! Good afternoon! May problema ba?” Bulalas niya.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kwarto ko. Totoo nga, tanghali na. Hindi ko man lang napansin. Masyado na pala akong busy sa paghahanap ng engineer at ‘di na napansin ang oras.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon