Chapter 24 - Abashment

122 12 0
                                    

SHAWN AXCEL'S POV

"Gago! Baka iniisip mong tubig 'yang alak at pwede mong inumin kahit ilang balde pa. Stop it, bro. You're wasted!"

Pilit na inaagaw ni Miles ang bote ng beer na iniinom ko pero nakipagbawian ako sa kanya. Yes, I'm fucking wasted for fucking sake! Who wouldn't be? Ilang beses niya na akong ni-reject kahit na kakasimula ko pa lang na ligawan siya. Wala pa ngang tatlong araw ganito na ang nangyari sa'kin.

Why did I go nuts with that brat?!

"Miles is right, bro. Mahigit isang oras ka nang umiinom. You're going to have a hangover tomorrow." Si Rynier ang tuluyang nakabawi ng iniinom ko at pinasandal ako sa sofa.

I told them what happened in our encounter earlier that's why they represented to accompany me. Umuwi kaagad ako pagkatapos niya akong pagsabihan ng masasakit na salita kaya pati ang mga kapatid ko ay hindi alam na nag-ditch ako ng dalawang subject. Actually, I don't have plans on telling my friends but they called me and keep on asking where am I. So when they arrived here, I'm already this drunk.

"Hayaan niyo na lang ako. Umuwi na kayo, gabi na. I can handle myself," pagmamatigas ko pa.

Miko immediately stood up from the couch and get his bag."Okay, sabi mo eh. Mauna na ako, alagaan mo 'yang sarili mo at dapat nasa katinuan ka na bukas. Sige, bye."

"Really? In this kind of situation? Aalis kami pero bago 'yon tatawagan muna namin ang mga kapatid mo para mapuntahan ka nila. Lasing na lasing ka na oh!" Baling naman ni Miles sa'kin.

I didn't talk back because of dizziness. Umiikot na ang paningin ko kaya hindi na halos maidilat ang mga mata ko. I just lean on the sofa, trying to relax myself and hoping that in this state I could forget what Zeriel told me. Paulit-ulit kaseng sumasagi sa isipan ko ang mga sinabi niya kaya hindi ko makalimutan talaga.

When I felt like my senses calmed down, I stood up to get another bottle of beer but unfortunately, my feet slipped onto the table that made me fell on the floor. Agad naman akong dinaluhan nila Rynier at pinabalik ako sa pagkakaupo sa sofa.

"Bro naman! Kung hindi ka pa namin naalalayan kaagad, baka nabagok na 'yang ulo mo sa sahig. You're insane!" Rynier hissed.

"Wag niyo na nga akong pagalitan. G-Gusto ko lang naman uminom para makalimutan siya, eh. Why are you guys stopping me even if you know that it's the only way that could make me forget those things she'd said?!" I answered in a monotone voice.

Marahan naman akong tinapik sa balikat ni Miles."Alam naman namin. Pero grabe! We didn't expect that you will get worse just because of a girl. Palitan mo na lang kase."

Napatawa naman ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Again, I suddenly remembered her...the way she told me that. Kung gano'n lang kase talaga kadali na gawin 'yon eh. If I could just do it right away. Iniisip ko pa lang hindi ko na kaya o baka naman hindi ko lang kaya kase wala pa akong ginagawa.

"Ay shit! Anak ng babaero naman oh! What happened to him?!" I heard Katria's voice echoing in the whole room.

"He got drunk when we arrived here. Sabi niya ni-reject na naman daw siya ni Zeriel. Nasaktan ata ang ego niya kaya naisip namin na baka matulungan niyo siya." Si Rynier na mismo ang sumagot.

Bumibigat na ang talukapkap ng mga mata ko at medyo sumasakit na rin ang ulo ko. I never get drunk like this in my whole life. Kapag naglalasing kase ako kinakaya ko pa naman na tumayo at magsalita ng maayos. Is this what we call as heartbreak thingy? Pero hindi naman naging kami. Punyemas!

Someone held my forehead, probably checking my temperature."We'll take care of him. You can go now. Thanks for waiting."

Kampante ako kahit na alam kong sesermonan ako ni Kuya Daron pagkaalis nila. The alcohol has a great impact to me so I'm not scared nor nervous. Alam ko na kung paano magalit si Kuya pero balewala na sa'kin 'yon ngayon.

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now