Chapter 25 - In Denial

132 12 0
                                    

ZEKIAH XYRIEL'S POV

"Holy mother of earth! Please tell me that nothing happened. I'm begging you, Zeriel."

Hindi ko alam kung pang-ilang beses niya nang sinasabi 'yan at ilang beses na rin akong napapairap sa kagagahan niya. I'm not easy to get and most of all, I have my principles. Whoever wants to abuse a girl like me will taste the hell out of me.

"Alin ba sa walang nangyari sa'min ang hindi mo maintindihan? I don't act like a low class lady, Alina. Hinatid ko lang siya sa condo niya at pinagluto ng soup, that's it!" Sumubo ako ng isang slice ng cake na inorder niya para sa'kin.

"Talaga? You're not lying to me? Kahit kiss walang nangyari?" nanunudyo niyang tanong.

I suddenly choked while taking a sip on my frappe and hit my chest for many times. Sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin pero hindi ko rin maiwasang alalahanin 'yong nangyari kagabi.

No! That was a pure mistake! Walang halong kahit ano. It's just because of the alcoholic drink and it's impact. Hindi ko rin naman inaasahang mangyayari ang gano'n.

"Ano? Tama ako 'no? Gosh! Zeriel, are you out of your mind?" pangungulit niya pa.

I let out a deep sigh and stopped eating."Sabihin na nating may nangyari ngang gano'n. Eh ano naman? We were both drunk that time and it's not our intention. Besides, that was just a kiss and nothing else."

"Maniniwala akong hindi mo nga intensyon, pero siya malabo. Akala ko ba habang may malay ka walang mangyayari pero tingnan mo, hinayaan mo lang siya. And don't you ever tell me that it was just a kiss. Pinagsamantalahan niya ang kahinaan mo!"

Napasapo ako sa noo ko dahil sa pagiging lecturer niya."Enough, Alina. Alam ko kung anong ginagawa ko, okay? I know that he doesn't remember anything when he wakes up. He was so drunk and wasted."

"How could you be so sure, huh? 'Di ba iniiwasan mo na siya at gano'n din siya sa'yo kagaya ng gusto mo? But what's happening to you? Hinahayaan mo na naman bang malapit ka sa kanya?"

Damn her! In every words that she's throwing on me, it hits me really hard. Tama naman talaga siya.

"Aalis na ako, Ali. I need to review for the semi-final, so as you. Sa susunod na lang ulit." Akmang aalis sana ako nang pigilan niya ang kamay ko.

"I'm just saying this as a cousin reminder. Pero kung gusto mo na siya---"

"I don't like him, Ali. I would never let my guard down. At habang maaga pa, kaya ko pang pigilan ang sarili ko," I cut her off and finally get out of the restaurant.

Bumalik ako sa condo ko pagkatapos para makapagsimula nang mag-review. I told Caroline that my exam is on Wednesday that's why she agreed to postpone my photoshoots. Review na lang naman ang kulang ko dahil tapos na ako sa lahat ng schoolworks at naipasa ko na bago pa ang weekends. If I'll get high grades in this coming examination, I'll be the top dean's lister in our course.

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang bulto nang lalaki na nakatayo sa harapan ng pintuan ng condo ko. Seems like he's waiting for me to arrive. Is it about last night?

Fuck! What if Alina was right? Naaalala niya kaya?

"You're here. I've been waiting for you less than hours. May dapat tayong pag-usapan." He instantly grabbed my hand and pulled me gently.

I gave my full strength to remove my hand from his hold and gladly, I succeeded."We have nothing to talk about. Umalis ka na, marami pa akong gagawin at hindi kasama ro'n ang pakikipag-usap sa'yo. I told you to stay away from me, right?"

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now