Chapter 32 - Dilemma

102 11 0
                                    

ZEKIAH XYRIEL'S POV

"Ms. Knoxville. My deepest condolences to you and your family. Its okay if you'll pass it late, no pressure. I understand your situation."

I lined up my requirements on her table, giving her a convincing look. Siya ang teacher ko sa ICT subject at mas marami ang kailangan kong gawin sa subject niya kaya ngayon ko lang naipasa. Tomorrow's the deadline of all my works yet I passed it today. I'm not having a hard time doing my remaining works these past few days since Shael helped me with it especially in CPPGM. Halos siya na ang nagsagot sa lahat pero sinabi niyang dapat ko raw 'yong matutunan sa susunod. He just did it to save time so that I could do the others.

"It's okay, its already done. Thank you for your concern." I bowed my head a little as a sign of respect before leaving her office.

Thanks to him, I don't have to think for it anymore. Tapos na ako sa lahat nang gawain ko kaya makakapagpahinga na rin ulit ako. I'm just wondering what is he doing right now. Yesterday, I saw him doing his works in a rush. He's multi-tasking to finish it all immediately. Bigla tuloy akong naawa sa kanya dahil tinulungan niya pa rin ako kahit na marami pa siyang dapat na gawin kaysa sa'kin.

I decided to visit him on his building next to ours. It's been a long time since I visited his classroom and it wasn't good. Galit na galit pa ako sa kanya no'n kaya naiinis ako kapag pumupunta ako ro'n. But now everything has changed. Hindi ko nga aakalaing magiging malapit kami sa isa't isa.

"Where's Shael? Is he inside?" I asked the girl that I encountered when I was about to take a peek inside.

She was stiffened for a while and it took minutes before she came back to her senses. Umatras pa siya nang konti para dumistansya sa'kin at lumingon sa gilid niya para hanapin si Shael.

"H-He's not here. Lumabas siya kanina dala ang mga paperworks niya at hindi pa siya bumabalik," sagot niya na may halong pamginginig sa boses niya.

Is she scared of me? Siguro kase hindi naman ako ganito na nag-aapproach sa iba. They might think that I'm getting weird.

"Zeriel. Nandito ka pala. Hinahanap mo si Shael?" Rynier suddenly appeared from inside the room.

I nodded and looked away."Alam mo ba kung nasa'n siya? I want to talk to him."

"Busy siya kaya hindi namin siya kasama. He has to do all of his requirements for our finals. Marami naman siyang oras pero hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon hindi niya pa tapos lahat 'yon." One of his friends stood at his back, looking at me straight to the eye.

"Miko! Gago ka ba?! Baka mapatay ka ni Shael kapag nalaman niyang sinabi mo 'yan sa kanya." The other one interrupted, stopping him from blaming me.

He raised his eyebrow at him."Bakit mo'ko pinipigilan, Miles? 'Di ba totoo naman?"

Alam ko namang sinisisi ako ng isa nilang kasama. As far as I know, he's the sex addict in their circle of friends. Mas malala pa siya kumpara kay Shael dahil sinisira niya ang dignidad naming mga babae. He's a fucking asshole!

"Si Shael ang hinahanap ko. I don't want to waste my time talking to a useless guy," walang emosyon kong sagot na ikinatigil nila.

Rynier blocked the way so that I couldn't throw that Miko a death glare."He's in the library. You can go and see him. Pasensya na sa isa naming kaibigan, ganito lang talaga siya."

"Wala naman akong pakialam kung ganyan siya. Basta hindi lang siya sumasali sa usapan kapag hindi naman siya ang tinatanong." I rolled my eyes heavenwards before walking away.

Kahit na naiinis ako sa sinabi no'ng kaibigan niya, hindi ko pa rin mapigilang isipin na ako ang dahilan kung bakit tambak-tambak na ang mga gawain niya. He helped me first and didn't bother to worry about his own obligation. Sinabi niya pang kaya niya lahat at naniniwala naman ako ro'n. He might finish all of it but it's already too late. May minus na siya panigurado.

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now