Chapter 34 - Misunderstanding

100 11 0
                                    

ZEKIAH XYRIEL'S POV

"What do you mean he lied? Did he cheated on you or what? Tell me."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Alina ang punto ko. He did not literally cheated on me. I-It's just that...he lied as in he didn't tell me the truth. That's all. Ni wala nga akong ideya kung bakit siya nagsinungaling.

I sighed heavily."I didn't know that he won't be coming back to his condo last night so I stayed outside to wait for him. Wala naman kase siyang text sa'kin dahil last talk namin 3 PM pa. Ugh. Fine! Inaamin kong nag-aalala ako sa kanya."

She will surely ask some follow up questions so I get myself ready for it. Sinabi ko lang na nag-aalala ako kay Shael dahil kahit hindi ko sabihin tatadtarin niya ako ng tanong.

"He's a guy and he could take care of himself. Why are you still bothered? Afraid that he might go out with another girl?" She's so busy eating that chocolate bar she bought from nowhere.

I shook my head immediately."Lately, he's not eating on time and even tried skipping meals. Wala rin siyang sapat na pahinga at tulog tapos kung saan saan pa siya nagpupunta."

"Wow! Grabe. Nagbago ka na talaga. You're being observant now, huh? Saan ba siya pumunta?" She didn't take a single glance on me and still focused on eating.

I hit the table lightly."That's what I'm wondering! Sinabi niya kinaumagahan na sa mansion daw siya natulog pero nang tanungin ko ang Kuya niya na si Daron, hindi naman raw siya umuwi. See? He's not being honest!"

"Baka naman may rason siya kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. You know? Men are secretive sometimes." Ali shrugged her shoulders.

Dahil sa inis ko ay binawi ko sa kanya ang chocolate bar na babalatan sana niya. She's not paying attention to me! Kain siya nang kain tapos hindi man lang ako inalok. My gosh!

I crossed my arms over my chest."What kind of reason, hmm? I opened up to him so he should do the same way to me. Baka naman nambababae talaga siya?!"

"Judgmental mo girl! Listen, okay? You said that he's being so busy with his works so maybe that's the reason why he didn't come home last night. Nagsinungaling siya sa'yo kase ayaw niyang mag-alala ka lalo sa kanya. He cared for you. I can see that. Baka iniiwasan niyang mag-away kayo kaya hindi niya sinabi 'yon." Tinaas baba niya pa ang kilay niya na para bang sinasabi niyan tama siya.

She's supposed to be on my side, right?!

Pero kung sabagay, malaki ang punto niya. Why did I think of him like that? He doesn't flirt anymore. Mas lumamang nga ang pagiging hardworking niya para makabawi sa mga projects na sa deadline niya na naipasa.

"Okay. I'll let that pass. Baka masyado lang akong nag-ooverthink kaya gano'n." I gave her back the chocolate bar.

Pinanliitan niya naman ako ng mata."Ikaw, ah. You're so protective to your suitor. Ayaw mo talagang agawin siya ng iba sa'yo."

A-Am I? Hindi ba pwedeng advance thinker lang? If he's going to flirt with someone while he's still courting me, I'm gonna rip his neck off. Mabuti nang naninigurado kaysa naman tamang pakampante lang sa gilid at hindi inaalam kung anong totoong nangyayari sa paligid ko. It already happened once so I don't want that thing to happen again.

"Zeriel! Si Shael.."

Napalingon kami ni Alina sa tumawag sa'kin at kumunot ang noo nang makitang pawis na pawis si Rynier nang makalapit sa'min. He look so worried. He even mentioned Shael.

"Why? What happened to him?" I asked, standing now.

He put his hands on his knees, probably tired because of running."Nahimatay siya kaya dinala sa clinic."

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now