Liham

329 23 9
                                    

Mahal kong mambabasa,

Magandang gabi sa inyo aking mga mambabasa, maraming salamat sa walang sawang pagsuporta at sa walang sawang pagbabasa ng akdang ito. At kagaya nga nang aking ipinaalam, hinati-hati ko ang bawat kabanata ng kwentong ito. Naloka lang ako kasi hindi ko naman akalaing aabot siya ng 75 chapters. Fighting sa inyo! So, ayun nga I hope nagustuhan ninyo iyong kwento. Sana nag-enjoy kayo dahil nag-enjoy talaga ako ng bongga sa pagsusulat sa kwentong ito. Even habang ine-edit ko, natutuwa talaga ako. One of my best work! Recommend ninyo na din sa iba if nagustuhan ninyo, echosera nag-promote.

Kidding aside! Muli, maraming salamat sa walang sawang pagtangkilik mga kapanalig!

Actually, I was hesitant kung ipapasa ko pa ito sa mga manuscript submission or magiipon na lang ako para magkaroon ako ng sariling copy. Super haba kasi niya, kung i-ma-market ko mahal surely, baka walang bumili. So ayun, pinagiisipan ko pa rin. But, for now dito muna siya sa wattpad. Thank you muli!

Ang istorya na ito kung mapapansin ninyo ay hango sa korean drama na Chicago Typewriter. Super ganda non, recommended korean drama talaga Isinulat ko ito way back 2018 kaya iyong timeline niya 2018 nagsimula. Three years din ang tinagal bago ko siya natapos. Uunahan ko na kayo fiction lang talaga 'to so, wag na kayong umasa sinisira ko na ang imagination ninyo HAHAHA. Pero gusto kong i-share sa inyo iyong experience ko habang isinusulat siya, alam ninyo ba na everytime na gumagawa ako ng chapter or rather point of view ni Olivia sa kwento, umuulan lagi. Siguro coincidence lang pero palagi talagang umuulan. And then one time wala namang bagyo pero talag asuper lakas ng ulan after kong magsulat, creepy! Char! And yeah, right now habang tina-type ko ang liham na ito, umuulan ulit.

Hindi ko alam kung may magbabasa nitong liham ko pero, magkekwento pa ako. Iyong name na Peter nakuha ko siya sa pangalan ng ex ko HAHAHA. First boyfriend ko 'yun kaya talagang natigil ko pagsusulat nito ng ilang taon at natapos ko lang nang mag-lock down. Iyong mga pangalan ng mga kaibigan ni Laveinna friends ko talaga sila, so, totoo silang tao. Isa sa mga kantang pinakikinggan ko while writing this novel is 'Pusong Ligaw' yung version ni Jona. That song tells what the whole story of El Destino desde 1870 is all about. Actually, hindi ko pinlano ang mga mangyayari dito basta pumasok lang sa isip ko then sinusulat ko.

Sa totoo lang porte ko talaga ang tagalog, gusto ko ang genre na ito. May mga plano pa akong isulat na ganito in the near future kaya sana abangan ninyo. Super saya ko din tuwing makakabasa ako ng reaction at comment ninyo. Worth it ang pagsusulat ko. I know, hindi catchy sa una, mabagal ang pacing at medyo korni pa ang ibang dialogue but you stay and you are reading this now so I guess nagustuhan mo talaga. Thank you!

See you on my next novel!

Nagmamahal,
Im_Vena  

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now