Kabanata 70

107 9 0
                                    

Leonardo,

"Narito ka na." Subalit ang hindi ko inasahan ay ang sarili kong boses ngunit alam kong hindi mula sa akin iyon. Mula sa hinihigaang pamilyar na kama ay inilibot ko ang aking paningin. Ang kwartong aking kinalulugaran ay pamilyar. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito mismo ang mansyon ng mga Laong. Ngunit ang malikot kong mata ay tumigil sa lalaking ngayon ay nakaharap sa isang laptop at bahagyang nagkakape. Halos magimbal ako nang makita ang aking sarili na nakaupo sa isang swivel chair at bahagyang sumisimsim ng kape. "Kanina pa kita hinihintay," turan pa nito na lubos kong ikinalunok. Hindi ito normal at kailanman ay hindi magiging normal. "Nakatutuwa pa lang isipin na noo'y kinakabahan talaga ako nang una kong makita ang sarili ko sa hinaharap." Tumawa pa ito na tila naalala ang isang kakatuwang ala-ala. "By the way, I'm Peter from the year 2018. You can call me Ten, a writer." Naglahad pa ito ng kamay subalit hindi ko naman iyong tinanggap. Naninibaguhan pa rin ako at kailanman ay hindi masasanay. "Maniwala ka sa akin Peter from 2013, masasanay ka rin." Muli siyang tumawa. Muntik ko pang makalimutang ako ay siya pa rin pala. Kung kaya naman alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko nang mga oras na ito. Ang katotohanan na nakaraan na niya ako ay hindi kailanman mabubura. Wala rin namang pinagkaiba ang mukha ni Leonardo noon at Peter ngayon, bagay na ikababaliw nang kung sinong makakaalam ng sikretong ito.

"N-Nais kong makuha ang pocket watch." Sa puntong iyon ay tumango-tango lamang siya bago ibato sa akin ang pocket watch sa hinaharap. Mabilis ko naman itong sinalo at balak na sanang ilagay sa bulsa ng aking pang sakristang damit kasama ng pocket watch na aking ginagamit nang ako ay kaniya ng patigilin.

"Oppss! No, not that, Peter. Ilagay mo sa kaliwang bulsa ang pocket watch ko at ilagay mo naman sa kanan ang iyo. Hindi ka pwedeng malito, tiyak na magkakagulo." Kilala ko ang aking sarili. Lubos sa kahit na sinong nakakakilala sa akin. Kung kaya nagtiwala ako sa sinabi nito. "Bukas, ika-alas tres ng hapon iwan mo ang pocket watch sa hagdanan ng simbahan ng San Ignacio. Darating si Laveinna roon at makakasama mo sa iyong pagbalik sa taong 1869." Tumango na lamang ako at hinayaan ang sariling libutin ang paligid ng mansyon. Marami na rin pala ang nagbago roon. Ni-renovate ito at talagang taliwas na sa dati nitong anyo. Gayunpaman ay hindi naman nawala ang ilang bakas ng orihinal na hitsura nito noon.

"Ibig sabihin ba nito ay naging manunulat ako?" Iyon ang agad na tanong ko kay Peter nang saglit siyang lumabas ng kaniyang silid at uminom ng tubig. Natawa muna ito bago sumagot.

"Kung writer ba naman na matatawag ang kagaya ko. Siguro, oo naman." Muli siyang natawa na labis nang ikinasalubong ng kilay ko. "I'm sorry, natatawa lang ako sa isiping kinakausap ko ang sarili ko ring nakaraan." Sa pagkakataong iyon ay naunawaan ko siya at doon na rin natawa. "By the way! Maingay si Laveinna. Ihanda mo na lang sana ang sarili mo. Mukhang pareho tayong mahihirapan sa kaniya."

Kinabukasan ay pumasok ng ekwelahan si Peter. Pilit niyang ipinatanda sa akin ang aking gagawin. Hindi raw ako dapat magkamali dahil sa simpleng pagkakamali ko ay magugulo ang mundo. Nang araw ring iyon ay sinunod ko ang ini-utos ni Peter sa panahong ito. Iniwan ko nga ang pocket watch niya sa may hagdanan at mula sa pintuan ng simbahan ay tinanaw ko ang kaniyang pagdating. Hindi naman ako lubos na nabigo dahil dumating ng ang babaeng kawangis ni Olivia at nadapa sa may hagdan. Tuluyan ang naging ngisi ng aking tagumpay nang ako ay kumurap ay tinatanaw ko na si Laveinna habang kaharap si Leonardo ng taong 1869.

Mukhang tama nga si Peter ng hinaharap. Pasasaan pa at masasanay rin ako.

Nang makitang nahimatay si Laveinna sa bisig ni Leonardo ay pumasok na ako sa loob ng simbahan. Tanging nasa isip ang sunod kong kailangang gawin. Mabuti na lamang at hindi naman nagtagal ay muli kong natagpuan si Padre Martin na ngayon naman ay nagdidilig ng halaman. Hindi pa man niya ako nililingon ay nagsalita na siya.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now