Kabanata 12

457 39 1
                                    

Laveinna,

Nang magbalik ako sa katinuan ay agad ko siyang naitulak papalayo, sakto namang may dumaan ng bus kaya dali-dali na akong sumakay.

Pasalamat ako kasi may ma-u-upuan pa kaya hindi hassle. Bago umandar ang bus ay sinilip ko muna si Peter kung sumakay rin ba siya. Pero ikinagulat ko nang makitang nakatayo lamang siya kung saan ko siya iniwan at nakangiting dinadama ang patak nang ulan na para bang hindi na niya iniinda iyon.

Huminga ako ng malalim at akma nang tatayo para sana daluhan siya roon at sabihing sumakay na siya ng bus, bigla kasi akong na-guilty sa pang-i-iwan ko sa kaniya.

Kaya lang umandar na ang bus.

Napabuntong hininga na lang ako.

Sa pagkakakilala ko sa sarili ko sa loob ng labing pitong taon kong nabubuhay rito sa mundong ito hindi ako mabilis mahulog sa mga lalaki. Pero ang lalaking 'yon konting gesture niya lang ay napakalaki na nang impact sa pagkatao ko.

May mali sa akin, hindi ako ganito.

"Excuse me Miss, makiki-upo," rinig kong anas ng isang boses kaya naman umipod ako sa may bandang bintana nang may umupo sa tabi ko. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pang tingnan kung sino iyon, paniguradong pasahero lang din naman 'yon ng bus na ito.

"Oh, Laveinna?" Doon napukaw ang atensyon ko. Tinawag niya ako sa pangalan ko? Teka, kilala ko ba ito?

Nilingon ko iyon at bumungad sa akin ang isang lalaking pamilyar ang mukha. Hindi ko lamang matandaan ang pangalan niya subalit parang minsan ko nang nakita ang mukha niya.

Nagta-takang ekspresyon ang rumihistro sa mukha niya na mabilis na naging kunot noo. Singkit siya at mukha siyang koreano, naku! Hindi pala, dahil mukha siyang Chinese.

Walang kurap na nagkatitigan kami. Sa hindi malamang dahilan, kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. Kinakabahan ako, kabang kakaiba na maging ako ay hindi ito mapangalanan.

Sino siya?

Isang nagmamayabang na kidlat ang nagpaliwanag sa kalangitan na siyang naging dahilan ng pagkagulat ko at pagkaputol ng kakaibang titigan.

Napahawak pa ako sa dibdib ko ng dahil sa gulat.

Teka, saan ba rito ang puso ko?

"Doon sa kabila."

Ganon ba, doon pala 'yon.

Kaya iyon nga ang hinawakan ko dahil sa sinabi ng katabi ko.

Pero teka nga..

"Hoy! Bakit mo ko kilala ha?" maangas na tanong ko sa pagbaling ko sa kaniya ng tingin. Ibinaba ko na rin ang kamay ko dahil ngayon ay nawala ang kaba at gulat na kanina ay naramdaman ko.

"Easy, masyado kang hot," saad niya na tila ba nagulat din sa inasta ko. Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo sa kinauupuan ko kahit na umaandar ang bus.

"Manyakis ka!" Nakuha namin ang atensyon ng ilan sa mga pasahero nang dahil sa isinigaw ko.

"Hey! I'm not a pervert. I mean, chill ka lang." Napatayo na rin siya. Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay agad akong nakalma. Hinawakan niya ang balikat ko at dahan-dahang pinabalik sa pagkakaupo. Ganoon din ang kaniyang ginawa, umupo siya at kinalma ako.

"Eh? Sino ka ba? Hindi naman kita kilala pero kilala mo ako? At ito pa, alam mo ang pangalan ko. Stalker ba kita? Walanghiya ka, ikaw siguro iyong araw-araw na naglalagay ng bulaklak sa harapan ng bahay namin 'no! Ano bang kailangan mo? Hindi naman sementeryo ang bahay namin-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang tinakpan ang bunganga ko.

Aba bastos to ah!

"Jqbvfwbggjwbgjsjausjbsjsbgssh"

"Wag kang maingay! Nag-i-iskandalo ka na," saad niya tsaka bumaling sa mga pasaherong pinagtitinginan kami. "Pasensya na po, may sakit lang po itong kaibigan ko."

Aba! Gago talaga! Palabasin ba namang may sakit ako, at ano raw? Kaibigan? Ang kapal naman ng mukha niya.

Sa asar ko ay agad kong kinagat ng napakariin ang kamay niya.

"A-Aray!"

Nang dahil sa pagsigaw niya....

"Hoy! Kayong dalawa diyan, bumaba na nga kayo!"

Ending pinababa kami ng conductor at driver.

Pasalamat na nga lang kasi hindi na umuulan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasalanan mo 'to lahat!" badtrip na saad ko.

"Anong ako? Ikaw nga itong nag-iskandalo roon."

"Eh, sino ka ba kasi?"

"Kung hinintay mo muna kasi akong magpakilala sa'yo kanina, hindi tayo na paba-"

"Ah.. Napakahaba naman pala ng pangalan mo," sarkastikong saad ko.

Ikinagulat ko naman nang tawanan niya lang ako. Bakit ang dami ko naman yatang nakakasalamuhang weirdo ngayong araw?

"I'm Joseph Manalo, and you are Laveinna right? We met in K2 Bookstore. Do you remember me now?" Sandali akong natigilan at napaisip.

Doon parang isang palaso ng pana na pumasok sa utak ko ang alaala nang unang beses kong makilala ang lalaking ito.

OMG! Nakakahiya!

"Hala, sorry. Pasensya na talaga, medyo oa talaga ako at makakalimutin din."

Ang buang ko talaga, sobrang nakakahiya ito.

"It's okay, sanay na ako sa'yo." Nagtaka ako sa sinabi niya.

Sanay?

"Ano?" Nginitian niya na lang ako tsaka siya umikot sa pagkakatayo at humarap sa isang establishment na may pangalang

'Laong Cafe'

Parang nabasa ko na somewhere ang apelyido na iyon.

"Oh, nandito na pala ako." Bigla niya akong hinarap. "Bata, mauna na ako sa'yo, dito ako nagtatrabaho."

A-Ano raw? B-Bata? Parang magkasing-edad lang kami ah.

"B-Bata?" Pinanlakihan ko siya ng mata. " Pakialam ko sa'yong matanda ka, diyan kana nga!"

Tsaka ako nag-walk out, narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya. Sa hindi ko maintindihan ay parang may nagtutulak sa aking lumingon sa establishment. Masyadong luma na iyon at medyo kinakalawang na rin ang sign board na nasa itaas. Kung titingnan para bang Spanish period pa ang style noon, ang classic lang.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon