Kabanata 5

873 59 32
                                    

Laveinna,

"Anong ginagawa mo dito?" bulyaw ko agad sa kaniya. Hindi kaya iniistalk na ako ng isang ito? Teka, parang ang kapal naman ata ng mukha ko para i-stalk ako ng isang Peter Einstein.

Pero kahit na ano, malaki ang posibilidad na stalker ko nga siya. Nakita ko kung paano humulma ang ngisi sa kaniyang labi. Inalis niya pa ang eye glass na gamit niya at dahan- dahan pang tumayo na tila ba hindi makapaniwala. As if I don't know na nagpapanggap lang siya ano! What's with him? He's being a stalker.

"I never expect to see you here, Miss Ricarte!" bakas ang pagkagalak sa sinabi niya. Bahagya niyang tinapik ang laptop sa likod niya para masarhan ito. Napabuga ako nang hangin sa asar.

"Ini-stalk mo ba ako?" malakas ang loob na tanong ko sa kaniya. Aba! Nakapagtataka naman yata ito ano.

Una, naging magka-klase kami. Pangalawa, nandoon siya sa library kung saan naroon din ako. Tapos ito? Hindi na ata kapani-paniwala na nagkataon lang ito. Subalit laking gulat ko nang isang napakalakas na tawa ang nakuha ko sa kaniya. Ano na naman bang nakakatawa sa sinabi ko?

"B-Bakit ka tumatawa, ha?" Nakangusong tanong ko ulit.

"I-I just cant help it, hahaha! You're being ridiculous."

Ano raw? Ako? Katawa-tawa? Ginagalit ba talaga ako ng isang ito?

"Hoy! Ikaw na stalker ka. Grabe ka na! Nakakaimbyerna 'yang pang-a-asar mo! Alam mo ba 'yun? Bakit? Kilala mo ba ako ha?" naisigaw ko na lamang iyon. Masyado na akong nanggigigil sa kaniya.

"Hey! Calm down, hindi naman ako stalker, nagkataon lang talaga ito. Look, I'm sorry." Napapangiti pa siya na tila ba'y may naalala. Talaga bang ginagalit ako nang isang ito? Napaka ano na talaga niya! Sarap niyang anuhin sa ano. Tapos i-ano sa ano. Nakaka-ano, grabe!

Sisigawan ko pa sana siya, subalit isang hampas ang natanggap ko mula sa bagong dating, si Nanay.

"Ano bang ginagawa mong bata ka? Bakit mo naman sinisigawan ang costumer natin?" pabulong na bulyaw sa akin nito, habang kinukurot-kurot pa ako sa tagiliran.

"A-Aray k-ko! 'Nay naman! Masakit n-na!" pagrereklamo ko, masakit na talaga, kasi naman matalas ang mga kuko ni Nanay. What I mean is, hindi kasi uso sa kaniya ang pagne-nail cutter. Imbis na balingan ako ng tingin ay humingi siya nang paumanhin kay Peter. Paulit-ulit 'yon.

"Pasenya na hijo, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Medyo wala lamang siya sa tamang pag-i-isip ngayon, pasensya na!" sinserong paulit-ulit na sambit ni Nanay. Aba at bakit naman siya humihingi ng paumanhin sa lalaking ito?

"'Nay, ano ba! Hindi ka dapat humingi sa kaniya nang tawad, stalker iyang isang 'yan at Nanay naman wag mo naman akong pagmukhaing baliw rito! Siya kaya ang may kasalanan, isa siyang stalker." Nagulat si Nanay dahil sa isinigaw ko sa kaniyang customer. Ganoon din naman si Peter, gulat na gulat sila sa naging pagsigaw ko. Pero wala akong pakialam, naiinis talaga ako sa Peter Einstein na ito.

"Miss Ricarte, ano namang batayan mo sa pangbibintang na iyan?" tanong niya.

Ang weirdo niya talaga pag minsan puro english, pag minsan naman ang lalim magtagalog. Saan bang baul nanggaling ang isang ito?

"D-Dahil alam mo ang pangalan ko! At tsaka, palagi kang nandoon kung nasaan ako. Sa k-kanal, sa school, sa library at- at dito! Diba stalker ka, umamin ka na!" bulyaw kong muli.

Para na tuloy akong toro dito na nagwawala. Pero ganun pa man ay ngumiti lang siya na parang wala lang sa kaniya na galit na ako. Para bang ikinatutuwa niya pa iyon.

"Mali ka ng iniisip Miss, lahat ng mga naganap na pagkikita natin ay hindi sinasadya. Sorry, kung mao-offend ka sa sasabihin ko, pero hindi ka naman si Liza Soberano para i-stalk ko." Ngumisi pa siya ng mapang-asar. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tuluyan nang sumabog. Akmang sasapakin ko siya nang hilahin ako ni Nanay.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now