Kabanata 10

565 45 7
                                    

Laveinna,

Napabuntong hininga ako. Bakit ganoon? Bakit parang kakaiba ngayon ang tama sa akin ng story ni Ten? Bakit parang ang lakas ng impact nito sa akin? Bakit?

Dahil doon ay muli lamang akong napabuntong hininga. Hindi ko na alam ang nangyayari simula kagabi nang mabasa ko ang 'Arrow Pen' ni Ten ay naging lutang na ako. Para akong nakabatak. Ang lakas ng tama ko na magpasa-hanggang ngayon ay sabog pa rin. Bitin ba ako sa update? O talagang may kakaiba?

Nakita ko rin ang hair pin na mula kay Peter kagabi, tapos naalala ko ang ibinigay ng Nanay ni Olivia sa kaniya. Kinabahan ako pero baka naman co-incidence lang na parehong dragon iyon. Fiction lang din naman 'yung kwento ni Ten. So, anong ikinalulumbay ko? Hay naku! Wala na yata talaga akong pag-asa.

"Ay, panty ko! Ginulat mo ako Einna, grabe! Teka anong nangyari sa'yo? Bakit ganiyan ang mata mo?" Biglang sumulpot si Yannie sa harapan ko kaya naputol ang malalim kong pag-i-isip.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Ang mata ko? Anong nangyari sa mata ko? Mata pa rin naman, diba?

Mula sa pagkakasubasob sa desk dito sa classroom ay tumunghay ako. Naka-side view kasi ang ulo ko habang nakasubasob kaya kita niya kanina.

"Grabe Baby B, ano 'yan? New style ng mata?" Natatawang puna sa akin ni Alexis. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Problema niyo sa mata ko!" bulyaw ko sa kanila. Ewan ba, tinatamaan nanaman ako ng pagka-bipolar ko. Binabaltik ako.

"Good morniii——OMO! Bebe Einna what happened to your eyes?" gulat na tanong ng bagong dating na si Zzette. Ano bang problema ng mga 'to sa mata ko?

"Ano bang problema niyo sa ma——"

Natigilan ako sa tuluyang pagka-beast mood nang biglaang may salamin ang tumapat sa mukha ko. Doon ay maging ako ay nagulat sa hitsura ng sarili kong mata. What the——

Napakalaki ng eye bags ko, to the point na mapagkakamalan na akong may black-eye. Ang gulo-gulo rin ng buhok ko at mukha akong haggard. Para akong lushang na babaeng iniwan ng limang taon niyang boyfriend.

"Ano gets mo na?" pa-chill na tanong ni Yannie. Dahil sa pagkapahiya ay agad akong napatayo at kinuha ang bag ko sabay hila kay Zzette palabas. Napakabilis ng naging galaw ko. Maging ako ay nagtaka na rin. Malayo na subalit narinig ko pa ang tawa ni Alecxis. Inis!

"Uy! Ano ba bebe Ein's saglit lang ay, ano ba 'yan!" Bagamat nadidinig ko ang pagrereklamo niya ay patakbo ko pa rin siyang hinigit papunta sa Comport Room.

"Ano bang nangyari sa'yo?" Biglang tanong ni Lizzette habang heto ako panay sa paghihilamos. "Nagpuyat ka 'no? Pero ano na naman bang pinagkapuyatan mo bebe?" tanong ulit nito tsaka s'ya sumandal sa sink at pa-simpleng pinagmamasdan ang kamay niya. Nagpa-nail polish kasi siya kaya ayun, tuwang-tuwa ang babaysut.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.

"Tama ka, nagpuyat nga ako. Napuyat ako kakabasa paulit-ulit nang first chapter ng Arrow Pen ni TEN," wala sa sariling bulalas ko.

"Ano kamo?! Baliw kana ba? Pinaulit-ulit mo 'yon? Shunga ka talaga! Sana man lang ipinagpabukas mo na lang diba?"

"Eh, kasi iba ang pakiramdam ko sa isang iyon. Kakaiba ang impact sa akin ng Arrow Pen lalo na 'yung character sa kwento na si Leonardo," nahihiyang bulalas ko.

"Ano ka ba naman Laveinna, hindi lang naman ikaw ang naapektuhan ng bagong istorya ni Ten. Buong Ten fandom yata ay niyanig ng Arrow Pen. Kung iisipin kasi parang hindi naman ganoon kaganda iyong story. Pero, ewan ba, naroon 'yung kakaibang impact na talagang mahihiwagahan ka kung ano ba iyon. At alam mo bang may nagsasabi na Season II daw ng Hey Horizon 'yon? Kapansin-pansin na iyong panghuling part ng 'Hey Horizon' ay siyang first chapter ng 'Arrow Pen', iyon nga lang, base 'yon sa mga chika-chika. Hindi pa kinukompirma ni Ten." Pangchi-chismis sa akin ni Lizzette. Hindi makapaniwalang nilingon ko siya.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now