Kabanata 35

122 13 0
                                    

Olivia,

Tuluyan na akong napapikit nang masaksihan muli ang garotte sa plaza ng San Fernando. Hindi lamang isa o dalawa ang naroon para pugutan ng ulo. Humigit kumulang sa sampong katao at lahat sila ay mga Indio. Mga nabaon sa pagkakautang at hindi makapagbayad ng tamang buwis. Naakusahang nagnakaw at kumain ng pagkain na para sa Kastilang pinagsisilbihan. Walang katarungan, walang magandang basehan ang pagbawi sa kanilang mga buhay. Subalit pikit matang pinapanood at hinahayaan ng karamihan. "Ang buhay ay isang digmaang walang katapusan. Nasa kamay natin ang lahat. Kung ilalaban ba natin o hahayaan natin ang sariling magpa-api sa kamangmangan." Natigilan na lamang ako nang marinig ang sinabi ni Ginoong Leonardo. Tuluyan akong nag-sngat ng tingin sa kaniya subalit hindi ko na maaninag ang mga mata niya dahil sa salaming suot na tinatamaan ng sikat ng araw. "Tayo ay humayo na, binibini. Wala tayong mapapala rito." Matapos sabihin iyon ay tuluyan na niya akong tinalikuran.

"Ginoo, sumandali!" Subalit hindi niya ako nilingon. Kung kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang patakbong sumunod sa kaniya.

Marahan ang kaniyang paglalakad. Bitbit ang manuskripo sa kamay na nasa kaniyang likuran. Habang ang tingin ay diretso sa patutunguhan. Hindi ko mapigilang ihalintulad siya sa halamang walang pakiramdam. Ni hindi ko yata siya nakitaan ng awa sa nasaksihan namin ngayon-ngayon lang.

Kaya naman, bagama't nag-a-alinlangan ay sinubukan ko siyang sabayan sa paglalakad at tanungin. "Tila sana'y kana sa iyong nakikita? Hindi ka man lang ba naaawa?" Ang tanong kong iyon ay hindi man lamang napigilan ang ginoo sa patuloy na paglalakad.

Subalit imbis na sagutin ay binato niya lang ako ng panibagong tanong na talagang ikinatigil ko. "Mabubuhay ba ng awa ang mga taong namatay na?" Hindi ko napigilang mapakuyom dahil alam kong tama siya. Kahit anong awa, galit, poot at sakit ang maramdaman ng mga makakita na pinapatay ang mga taong walang sala ay hindi na mabubuhay pa ang mga taong namayapa na. Isang malaking halimbawa ay ang mga magulang ko, pamilya ni Agnes at ang aking mga kaibigan. "Kung gayon Ginoo, sabihin mo sa akin ang kailangan nating gawin?" mariing saad ko. Sa puntong iyon, doon na siya tumigil sa paglalakad.

"Kailangan nating magmulat." Isang salitang hindi ko lubos maintindihan. "Mabubulok lamang ang buong halaman kung hindi puputulin ang pinagsimulan," makahulugan niyang turan bago ako balingan. "Tandaan mo binibini, walang mababago kung walang matututo. Mahirap mabuhay sa bansang walang hustisya, subalit mas mahirap mabuhay sa bansang puno ng mamamayang mangmang at nagbubulag-bulagan sa katotohanan." Matapos bitawan iyon ay muli na naman niya akong iniwan at tuluyan nang pumasok sa isang kubo. Hindi naman na ako nakagalaw matapos marinig ang kaniyang mga binitawan. Sa isang iglap ay bigla akong kinabahan. Ang kaniyang mga sinabi ay isang bagay na hindi dapat marinig ninuman. Ang kaniyang pagiging makata ay lubos niyang ikapapahamak. Hindi ko iyon mapapayagan. Hindi ko gugustuhing maging siya ay mawala sa akin.

Naging malikot ang paningin ko upang siguraduhing walang ibang nakarinig sa aming usapan. Nang makasigurado ay doon na lang din ako pumasok sa kubo. Sa loob ay doon ko nakita ang palimbagan. Kasalukuyan nang kausap ng Ginoo ang manlilimbag sa wikang Espanyol bagama't mukhang Pilipino rin lang ang manlilimbag. Minabuti ko na lamang hindi makinig at magsiyasat na lamang ng mga libro sa paligid.

Iba't-iba ang aking nakita. May iba na mga nakatutuwang nobela. Mayroon ding pamagat pa lamang ay talagang purong kalaswaan na. Ang ilan ay halos gustuhin ko na lamang ibato dahil patungkol ito sa katamaran at kamangmangan ng mga Kndio. Mga pang-a-alipusta at pang-a-alila.

"Mga hayop." Hindi ko na iyon napigilang maibulong.

Natigil na lamang ako nang marinig ko ang ilan sa usapan ng Ginoo at ng manlilimbag. Ikinakunot ng noo ko nang mapansing wala na sa libro ang kanilang usapan at patungkol na ito sa kaganapan mamayang gabi.

"Las tropas están listas. Solo estamos esperando una señal. Ésta es nuestra primera misión. Lo planeamos durante tanto tiempo. El Cagabong cuenta con usted y el señor Carlos." (The troops are ready. We're just waiting for a signal. This is our first mission. We plan it for so long. The Cagabong is counting on you and Señor Carlos.) Tuluyan ko nang nabitawan ang librong hawak nang marinig iyon mula sa manlilimbag. Mabuti na lamang at hindi iyon lumikha ng tunog. Subalit mukhang mabilis ang mata ni Ginoong Leonardo at mukhang nakita niya ako. Gayunpaman ay tila hindi na siya nagulat. Walang ekspresyon ang mukha niyang iniiwas ang tingin sa akin at tinanguan ang kausap bago ibigay ang hawak na manuskripo. Nagtanguan ang mga ito bago natapos.

Sa mga oras na iyon ay napuno ako ng kaba at katanungan. Naglalakad na kami pabalik ni Leonardo subalit ang isip ko ay tila naiwan sa aming pinanggalingan. Hindi ko naman magawang magtanong dahil natatakot ako sa kaniyang magiging sagot. Buo ang aking isip sa aking narinig. Hindi ako mangmang para hindi mahinuha ang ibig sabihin niyon.

Isang alyansa at mamayang gabi iyon magsisimula.

Gustuhin ko mang alisin ang ideya na iyon sa aking isipan ay lahat naman ng aking narinig ay iyon ang pinatutunguhan.

"G-Ginoo—" Bahagya pa man akong nakakuha ng lakas ng loob para makapagsalita subalit agad na niya akong pinutol.

"Matapos mong kumanta mamaya ay yumuko ka." Tuluyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin sa Ginoo subalit tuluyan na siyang nakalayo sa akin at kumakausap na ng kutsero na maghahatid sa amin pabalik sa aliwan.

Hindi ko naman inasahang tuluyan akong iiwasan ng Ginoo dahil mas pinili niyang sumakay kasama ang kutsero kaysa ang samahan ako sa loob. Maging sa pagbaba ko ay wala na agad siya. Mabuti na lamang talaga at binigyan niya ng karampatang bayad ang aming sinakyan. Tuloy ay mag-isa na akong pumasok sa aliwan dahil hindi ko na malaman kung saan siya napunta.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now