Kabanata 62

84 11 0
                                    

Leonardo,

"Ang kamatayan ko ay nalalapit na, maaari mo bang iligtas ang aking mag-ina?" Iyan agad ang bumungad sa akin nang kami ay muling magtagpo ni Señor Manuel. Kasalukuyan siyang nakaharap sa plaza kung saan may nagaganap na garotte. Nasa likod ang kaniyang mga kamay at pino ang bawat galaw. Gayunpaman ay masisipat na sa kaniya ang katandaan.

"Ano po ang inyong nais pinuno?" tanong ko na lamang habang pilit pinanonood ang karumaldumal na tanawin.

"Darating ang mga tauhan ng aking ama mamayang gabi sa aming hacienda. Nais kong tulungan mo akong maitakas ang aking mag-ina o kahit ang aking minamahal na anak lamang na si Olivia." Matapos sabihin ng Señor ang katagang iyon ay ibinaling nito ang tingin sa batang pilit nag-uusisa sa nangyayari sa harap 'di kalayuan sa aming pwesto. Kung paangatan lamang sa kulay ay talagang nangingibabaw ang kaputian ng labing dalawang taon nang si Olivia. Talaga namang nagtataglay ito ng karikitan na pupukaw sa atensyon ninuman. Hindi ko napigilang mapatulala sa mukha ng munting binibini. Ang kaniyang matangos na ilong at mamula-mulang labi. Makapal na kilay at malantik na pilik. Kaakit-akit na bughaw na mata at itim na itim ang madulas niyang buhok. Doon na ako napalunok, hindi na nga bata si Olivia. Malaki na siya at nagdadalaga na.

"Hindi mo gugustuhin ang aking gagawin sakaling iyong alukin ng kasal ang aking unica hija, Nardong. Babangon ako sa hukay at tiyak na sasakalin ka hanggang mamatay." Nanlamig ako sa biglang tinurang iyon ni Señor Manuel. Walang halong pagbibiro sa kaniyang mukha at tila nagbabanta.

"Naku po! Kung gayun ay patayin ninyo na Señor ang aking kaibigan ngayon din." Napailing na lamang ako sa biglaang pakikisawsaw ni Carlos sa aming usapan.

"Señor, kayo'y makakaasang hindi ko iyon gagawin. Kapatid ang turing ko sa munting binibini. Hindi ko kakayaning kayo ay biguin." Isang mahinang tawa ang narinig ko pa kay Carlos subalit isinawalang bahala ko lang iyon.

"Iyan ang ating usapan, Leonardo." Natapos sa ganoon ang huli naming usapan ng Señor dahil kinagabihan ay pinili na nitong sumakabilang buhay upang tapusin ang walang hanggang hidwaan nila ng kaniyang amahin.

Hindi ko lubos akalain na ang dalawang taong humasa at nagturo sa amin ni Carlos ay yumao na. Bagay na hindi namin lubos napaghandaan nang sabihin nito kaninang umaga ang bagay na iyon. Bagay na hindi namin sineryoso at hindi namin inasahang darating. Hitik sa talino ang mag-asawa at kalokohan kung iisiping sila ay napatay lamang ng ganoon kadali. Maaaring may mas malalim na dahilan, maaaring may mas komplikadong pangyayari na 'di na sakop ng aking kaalaman.

Mabilis ang aking galaw sa pagtakbo sa gitna ng kagubatan palayo sa mansyon ni Heneral Ignacio na minsan ko na ring naging tahanan. Gusto ko mang tulungan ang Señor at Señora ay alam kong mas nanaisin nilang aking iligtas ang kanilang unica hija. Mabilis ang aking pagtakbo at hindi binibigyan ng tunog ang aking mga yabag. Hindi ko gugustuhing mapalaban sa gitna ng paghahanap suot ang simpleng salakot at baluti.

Nang mapansin ang ilang mga gwardya sibil na papalapit ay mas pinili kong dumaan mula sa puno na magkakatabi naman. Mabilis akong nakaakyat dahil sa kasanayan. Tumalon, tumakbo, sumabit at naglambitin habang inililibot ang paningin upang makita lang ang munting binibini.

"B-Bitawan mo a-ako!" Ang malakas na sigaw na iyon ang nagpapukaw sa aking kamalayan. At doon ko na nga natanaw ang munting binibini na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng isang gwardya sibil. Hindi na ako nagbilang pa ng minuto at gamit ang baril na iginawad sa akin ng yumaong Señora Geneva ay binaril ko ang gwardya sibil. Kung nahuli man ako at hindi sila natulungan, hindi ko naman sila bibiguin pagdating kay Olivia. Lahat ay aking gagawin at susuungin.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now