Kabanata 24

281 27 1
                                    

Laveinna,

Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Sinubukan kong iwaksi sa isipan ko para makatulog pero, ang ending walang nangyari. Tin-ry ko na ring kurutin ang sarili ko nang ilang beses. Pero hayun nga, parang sinasaktan ko lang ang sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gayunpaman ay nagpakatatag ako.

Agad na nabaling ang tingin ko sa pinto ng aking silid nang biglang pumasok si Agnes.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Hangga't maaari ay gusto ko sanang humingi ng distansya sa kanila. Hindi ako handa para sa ganito at alam ko sa sarili kong hindi ako kailanman magiging handa.

"Narito ako para ibigay sa'yo ang kasuotang ito. Ninanais ni Ginoong Carlos na ika'y muling maging si Mira,  isasama ka niya sa Bahay Aliwan ngayong araw. Isa itong malaking prebilehiyo para sa iyo na wakasan ang iyong pagpapanggap." Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sinabi niyang iyon.

Matutuwa ba ako or ano? Hindi naman kasi talaga ako si Olivia. Paano ba ito?

"Ano ba namang klaseng mukha iyan Olivia? Hindi ba dapat ay magsaya ka?" Bumuntong hininga siya ay naupo sa aking kama. "Halika't ibihis mo na ang damit na ito manapa't galing pa raw España ito anang ni Ginoong Leonardo." Hindi na lang ako umimik pa at ginawa ang gusto niya. Ang hirap naman kasing magsalita rito. Baka mamaya kung ano na namang mga bagay ang lumabas sa labi ko tapos hindi ko naman mapanindigan.

Tumayo kami pero ikinagulat ko na lang nang simulan niya akong hubaran. Halos manlaki ang mata ko doon at bahagya pa akong napaatras.

"T-Teka, anong ginagawa mo?" Taka naman niya akong binalingan.

"Tila naiilang ka? Subalit minsan nga ay sabay pa tayong nagbibihis Olivia. Ano ang iyong problema?"

OMG! Ang problema ko, hindi ako sanay! Bukod doon hindi naman tayo close. Kayo ni Olivia iyon at hindi ako! Ano ba naman bes!

"W-Wala, sige at ipagpatuloy m-mo lang." Pumikit na lang ako kaysa tingnan pa siya.

My god! Feeling ko namolestya ako ng slight.

"Ayan, ang ganda mo na. Para kang isang rosas sa hardin. Hindi maitatanggi ang taglay mong karikitan." Doon na lang ako nagmulat nang mata at maging ako ay namangha rin sa ganda ng sayang suot ko ngayon. Kulay pula ito na binurdahan ng disenyong rosas. "Halika." Bigla akong hinila ni Agnes patungo sa isang salamin dito sa kwarto. "Nakikita mo ba ang iyong sarili? Sadyang napakaganda mo." Maganda nga ito at bumabagay sa akin. Hindi ko napigilang mangiti.

"Ang ganda nga subalit.." Nakangiwi ko siyang binalingan. "Hindi pa ako naliligo." At mukhang doon nalang din niya naisip ang bagay na iyon. Sabay tuloy kaming napangiwi nang may mapansin akong isang bagay. Ang kwartong ito ay pamilyar. Saan ko ba ito nakita?

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kama, mga aparador, at maging ang salaming ito. Kalakip ang mga bagay sa ibabaw niyon at halos mapaatras ako nang may napagtanto.

Ang bahay ni Peter Einstein. Sa parehong kwarto ako nagising. Itong-ito iyon at hindi ako pwedeng magkamali roon.

"Ayos ka lang ba, Olivia?" Doon ko na muling naalala si Agnes. Bahagya ko siyang nilingon at tinanguan upang mapawi ang nabubuo niyang pag-a-alala. "Maupo ka, aayusan kita, huwag mo na lang isipin na hindi ka naligo. Ika'y maganda pa rin naman." Napabuntong hininga na lang muli ako bago sumunod sa gusto niya. Kinikilabutan ako sa aking mga napagtatanto. Bagama't ganon ay inalis ko na lang muli iyon sa isip ko at in-enjoy ang pakikipagusap kay Agnes.

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon