Kabanata 30

318 39 5
                                    

Laveinna,

Tulala lang ako habang nasa gitna kami nang pagkain ngayong Noche Buena, ni hindi ko rin magawang galawin ang mga pagkaing inihain sa akin sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung ano bang pinahihiwatig ng sakristan kanina sa simbahan. Subalit nang pag-isipan ko iyon habang pabalik dito sa hacienda ay may isang bagay akong napagtanto. May nabago kami sa mga dapat nangyari. Kung hindi ako nahimatay nang una kong malamang nasa ibang lugar na ako ay tiyak na makikilala ko si Aling Pasita. Subalit, dahil nangyari na nga ang nangyari, kailangan kong harapin ang consequences niyon. Pero ano? Ano ang consequences ng pagkakamaling iyon?

"Ayos ka lamang ba talaga, Mira?"

Napapikit na lang ako dahil doon. Lubos ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ito mawawala.

"Mira?"

Ano bang gagawin ko? Ano ba dapat? Ano bang paghahandaan ko? Bakit ba bigla ay parang nagkanda letche-letche agad ang lahat. Wala pa nga akong isang Linggo rito.

"Binibining Mira?" Doon na lang ako napamulat. Nang balingan ko ang mga kasama ko sa hapag ay lahat na sila ay nakatingin na sa akin. Mukhang tinatawag yata nila ako subalit dahil hindi naman talaga Mira ang pangalan ko ay hindi naman ako mapalingon sa kanila. "Tila yata mas malalim pa sa isang balon ang iyong iniisip," dagdag muli ni Carlos. Naroon siya at naka-upo katapat ko. May kahabaan ang lamesa kaya naman malayo ang agwat namin sa isa't-isa. Nasa kanan niya si Leonardo habang nasa kaliwa ko naman si Agnes. Lubos na mabait si Carlos kaya naman pinasabay niya sa amin ang kaniyang mga katulong, isang dahilan kung bakit hindi nila ako matawag na Olivia ngayon. Kailangan kong umakto at makisama.

"Paumanhin." Napag-usapan namin na palabasing pinsan ni Mira si Carlos upang hindi magtaka ang mga tao kung bakit nanunuluyan ang isang dalaga kasama ang mga Ginoong hindi naman niya kamag-anak. Bagama't nagtataka ay wala naman nang magawa ang mga katulong dito kundi ang maniwala dahil iyon ang sinabi ng kanilang pinaglilingkuran. Lubos na konserbatibo ang mga tao sa panahong ito. Lalo na sa mga binibining kagaya ko.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" muli niyang tanong. Sa puntong ito ay bakas na ang kaniyang pag-a-alala.

"Hindi naman sa ganoon. Marahil ay pagod lamang ako sa maghapong pag-awit." Marahan akong ngumiti bago nagpasyang kumain kahit kaunti lang. Matapos ang maikling usapan na iyon ay muling namutawi sa paligid ang katahimikan.

Hindi naman na nagtagal ang hapunan at nang matapos ay agad na akong nagtungo sa aking silid habang si Agnes ay tumulong na sa paglilinis ng pinagkainan.

"Ano bang gagawin ko," mahina ko iyong naibulong sa sarili bago naupo sa harapan ng salamin dito. Bahagya ko pang naisubsob ang ulo ko sa ibabaw ng maliit na tukador. Humampas tuloy ang mukha ko sa isang matigas na bagay. "Aish! Ano ba naman 'to!" Inis na tumunghay ako at binalingan nang tingin ang bagay na nasubsuban. Pero unti-unti iyong nawala nang makitang iyon ang kwadernong ibinigay sa akin ni Leonardo. Ang kwadernong nakita ko kay Pe- teka, sino nga ba ulit iyon?

Sa puntong iyon ay nilamon na nang kaba ang puso ko. Hindi ko na maalala ang pangalan nang lalaking nakitaan ko nang kwadernong ito sa present time. Doon na nagsimulang manginig ang kamay ko. Maging ang paghinga ko ay hindi na rin nakisama. Teka, ano bang nangyayari? Bakit biglang hindi ko na maalala? Jusko.

Parang bigla ay nawalan ako nang panimbang sa pagkakaupo roon. Pumikit ako para alalahanin ang mga pangalan ng taong mga kakilala ko sa present pero wala na ni isa sa kanila ang naaalala ko. Kanina lang ay naalala ko pa subalit ngayon ay parang bigla nang naglaho. Nilamon ng kilabot ang sistema ko at napataklob na ako nang labi sa pagkakataong iyon. Hindi ko na napigilang maiyak sa pagpapanic. Hindi ito pwede! Anong nangyayari sa akin?

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now