Kabanata 4- Ang Paligsahan at ikalawang pagtatagpo...

1.5K 44 3
                                    

A/N

Hello eto na po ang UD ko:))) sana po mag-enjoy kayo sa update na ito:)hehe

 ____________________________________________________________________________

Kabanata 4

 Ang Paligsahan at Pangalawang pagtatagpo...

(Pananaw ni Shin Yoon Ah)

             Pagbalik ko ng palasyo, bumungad kaagad sa harapan ko ang aking ama...

Bago pa man niya ako pagalitan, yumakap na ko agad sa kanya...

"Waaahhh!!! ama ko, patawarin niyo po ako! gusto ko lang naman pong matikman ang alak ng okjeo, ngunit alam ko pong pagbabawalan niyo akong uminom nun! at hindi ko pa alam na sa pagtungo ko doon ay-----------------WAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!" at humagulgol na ko ng iyak..hindi ko na nasabi sa kanya ang nangyari sakin..dahil siguradong lalo siyang magagalit at pagbabawalan akong lumabas...

"Ssshh..tumahan ka na..ayoko ng maulit pa ito! naiintindihan mo? hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala sa tuwing lalabas ka ng walang paalam sa palasyo? sige na! pumasok ka na sa iyong silid upang matulog!"

" Opo..." 

Pagpasok ko ng aking silid, wala na si Jang Yin...

 pumunta naman ako sa silid ng mga dama at wala na dun si Jang Yin pati ang mga gamit niya...

Hindi kaya??

at agad akong pumasok  sa silid ng aking ama..

" Ama! nasan po si Jang Yin?" tanong ko...

"Pinalayas ko na siya! iyon ang nararapat na kaparusahan sa pangungunsinti niya sayo! Binalaan ko na siyang huwag ng babalik pa dito kahit kelan!"

" Ngunit ama, kawawa naman si Jang Yin, ako naman po ang may kasalana eh..ilang beses niya nga po akong pinipigilan ngunit..."

" Ngunit hindi ka nagpapapigil! sana naisip mo yan bago ka gumawa ng kalokohan! wala ka ng kinatatakutan! hindi ang tulad ni Jang Yin ang nababagay pa upang maging tagabantay mo!"

" Kahit na! dapat hindi niyo parin siya pinaalis!! ang sama niyo!"

 At mangiyak-ngiyak akong tumalikod at tumakbo pabalik ng aking silid!

" *Hikbi* nasan na kaya si Jang Yin ngayon? haay gusto kong humingi ng tawad sa kanya..dahil sa kapahangasan ko, nawala ang tapat kong kaibigan..."

KINABUKASAN....

( patugtugin niyo po yung kanta sa gilid bilang BG music po ng chapter na ito..) 

Booooonnggg!

Booooonnggg!

Booooonggg!

" Haayy!! ayan nanaman yang tunog ng nakakakilabot na gong na yan!!! lalong sumasakit ang ulo ko eh!" at nagtalukbong ako ng kumot...

" Mahal na prinsesa, gising na ho, oras na upang maghanda sa inyong kaarawan..." gising sakin ng tatlong dama ng aking ama...

" Tssshh..." ang aga naman nila!

" Ito na, babangon na ko..." at umupo muna ko sa kama." Huhhaaayyy!(hikab) inaantok pa ko -_- "

My GRUMPY Soldier! [Completed]Where stories live. Discover now