Kabanata 13- Paglalakbay sa kagubatan ng Buyeo...

1.1K 28 2
                                    

Kabanata 13

Paglalakbay sa Kagubatan ng Buyeo...


( Sa Pananaw ni Ri Jin Ho)

         Narito kami ngayon ng prinsesa sa kagubatan ng Buyeo upang maglakbay patungo sa tirahan ng kanyang kaibigang damang si Jang Yin, ito kasi ang daan kung saan walang makakakita sa prinsesa at hindi ko sukat akalaing papayag ako sa kanyang kagustuhang lumabas muli ng palasyo ng walang paalam sa hari, hoooh! bahala na! basta't ang mahalaga'y kasama niya ko...

   

        " Hoy Ri Jin Ho! maari bang magpahinga muna tayo? kanina pa tayo naglalakad dito sa gubat! napapagod na ko! ba't naman kasi dito pa tayo dumaan eh!" reklamo ng prinsesa -___-

           " Wala ng ibang daan, ito lang, ikaw, kung gusto mong pag-usapan at maisumbong sa ama mo, sige, bahala kang dumaan sa bayan.."

          " tsshh.. saan ba ang labas nito? baka naliligaw na tayo ah!!" at naupo muna siya sa malaking bato sa ilalim ng puno..

          " sa mismong distrito kung saan nakatira si Jang Yin ang labas nito, wag kang mag-alala kabisado ko ang lugar na to kaya hindi tayo maliligaw.."

         " aah.. mabuti naman!" at nanahimik na siya..

         " sandali? ano ba yang laman nyang binugkos na telang dala mo?" 

        "ah ito? laman nito ang mga regalo ko kay Jang Yin! ang bigat nga eh!" 

      " akin na, ako ng magbibitbit niyan..hindi ka dapat nagdadala ng kung anu-ano sa gitna ng gubat lalo na kung mabigat.."


pagkuha ko sa dala niya, inagaw naman niya to at hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ko at nagkatinginan kaming pareho -__-

      " b-b-bitawan mo nga! ayoko! maya tignan mo pa ang laman nito eh! " sigaw naman niya sabay alis ng kamay niya...

    " O,  yan na.." at binitawan ko narin ang tela...



     "ano naman tingin mo sakin? pakialamero?" 

     " ba't hindi ba?"

     " tsshh..bakit? ano bang laman niyan?"

My GRUMPY Soldier! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon