Kabanata 31 - Pagtatanan...

1K 28 0
                                    

Kabanata 31

          Pagtatanan...

        [Pananaw ng Hari]

                       umaga sa silid ni Haring Young Ho...

                     " Ugh! Ugh! p-punong Jun seo, k-kumusta na ang aking kalagayan?" tanong ko sa aking pinagkakatiwalaang punong manggagamot..

                        " Kamahalan, t-tatapatin ko ho kayo, habang tumatagal, lalong lumalala ang inyong sakit, nasaan na ho ba ang inyong anak? nais ko sanang ipabatid sa kanya ito sa lalong madaling panahon..."

                           " Ikinalulungkot ko, ngunit wala dito ang aking anak,  i-isa pa, wala rin akong balak ipaalam sa kanya ang tungkol dito, mag-aalala lamang siya.."

                           "Ngunit kamahalan, anak niyo siya, at kung meron mang dapat na mag-alaga ngayon sa inyo, ang prinsesa iyon, nanaiisin niyo bang bago niya malaman ang tungkol dito ay napakalala ng inyong sakit o n-namayapa na kayo?"

                                    " Mas nanaisin ko pang mamatay ng hindi siya kapiling kaysa ang mamatay kami pareho sa kamay ng aking matalik na kaaway..iyon naman ang pagsisisihan ko hanggang kamatayan.."

                                    " Napakabuti niyong ama kamahalan, kaya naman pinagdadasal ko, kasama ng mga babaylan ang inyong mabilis na pag galing.."

                                         nang bigla namang may kumatok sa pintuan ng aking silid...

                                           "sino yan?"

                                            " Kamahalan, si heneral Dong Yun ho ito.."

                                             " tuloy.."

                                              " Nakarating ba ang sulat na ipinadala ko sayo?"

                           " Oho kamahalan, sa katunayan, hindi maipinta ang mukha ng hari sa pagbasa niya ng sulat.. pumapayag rin ho siya sa inyong nais na magkaharap kayo bukas ng gabi.."

                                  " mabuti kung ganon.."

                                " k-kamahalan..Sigurado ho ba kayong kaya niyo siyang harapin ng ganyan ang inyong kondisyon?"

                          " sabi ng punong manggamot, malala na ang sakit ko, at kung mamatay din naman ako, gusto kong makaharap ang aking kaaway at makaganti sa ginawa niya sa mag-ina ko lalo na sa anak kong panganay na walang awa niyang pinaslang sa harapan ko..."

My GRUMPY Soldier! [Completed]Where stories live. Discover now