Kabanata 18 - Prinsesang luka-luka..

1K 27 1
                                    

          Kabanata 18

Prinsesang luka-luka ..

[pananaw ni Yoon ah]

 (May BG song po sa gilid:))

             Pagbalik ko sa aking silid, naupo muna ako sa may lamesa at nagbasa naman ng mga aklat ng batas ng Koguryeo..

              Magbabasa nalang ako kesa mag-isip ng kung anu-ano!

              “ Ang sagradong palaso ay------“tok! tok!”  bigla naman akong nagulat ng may kumatok, si Jang Yin na siguro yan! Kaya sinara ko muna ang aklat ko at tumakbo sa may pintuan, may gusto kasi akong itanong kay Jang Yin!

             “ Jang Yi------o__O

            “J-jin ho, ikaw pala...” malamig kong bati..at naupo na muli ako sa silya ko..

             “ aah prinsesa, para sayo...” abot naman niya sakin ng tasang may laman na pakiwari ko, mainit na tsokolate ang laman..amoy palang alam ko na! paborito ko ang tsokolate eh!

                “ I-Ikaw nagtimpla niyan?” seryosong tanong ko sa kanya habang kunwari nakatingin ako sa aklat ko, wala pa kong balak kausapin siya ng matino dahil sa nangyari nung isang araw eh, gusto ko pa iparamdam sa kanya na dapat din akong irespeto!

                 “aah..oo..upang hindi ka antukin habang nagbabasa..”

                   ngayon niya lang ako pinagtimpla ng tsokolate ah? Hihi! Sakto namang paborito ko to! Haha! Kadalasang dala niya palagi dito, yung matalim niyang sandata eh! ano kayang lasa ng timpla niya?

                 “ pakilagay na nalang dyan..oy! baka may lason to ah?”

                 “ bakit ko naman yan lalagyan ng lason? Sabi ko naman sayo diba, kahit ikaw ang pinakapasaway na prinsesang nakilala ko, wala kong balak na patayin ka hanggang hindi ko pa napuputol yang sungay mo, pugutan pa ko ng ulo ng ama mo..”

                  “mabuti naman kung ganun..asan nga pala si Jang Yin?”

                 “pinatawag ng hari, maya-maya lamang baka nandito na yun..”

                “ aah ganun ba? Sige makakalabas ka na..”

                “ sige..”

                “Jin ho!”

                 “o?”

                  “aah w-wala...sige labas na!”

                   Nakakahiya naman tanungin! Sabihin pakialamera ko at prinsesang tsismosa!

                   [pananaw ni Jin Ho]

                    Paglabas ko ng silid niya, hindi ko naman sinara ng husto ang pintuan at sinilip siya sa lamesa niya..

                   Ni wala kasi siyang reaksyon kanina nung nakita niya yung tsokolateng tinimpla ko, akala ko ba paborito niya yun? Iinumin kaya niya yun?

My GRUMPY Soldier! [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora