Kabanata 21 - Ang pasya ng hari...

1K 30 0
                                    

Chapter 21

            Ang Pasya ng hari...

(Sa bulwagan ng palasyo)

            [Pananaw ng Hari]

           “ Kamahalan, hanggang kelan niyo ho titiisin ang anak niyo sa loob ng piitan? Binalita ho sakin kanina nina Young Lun na, sinisipon daw ang prinsesa kagabi..”- Heneral Dong Jun..

           “ Kung kinakailangan kong tiisin siya kahit ilang buwan o taon, gagawin ko, mapagtanto niya lang ang pagkakamali niya, isa pa,  simpleng sipon lang yun, hindi siya madadala pag pinakawalan ko siya agad, iisipin nanaman niyang madaling magbago ang aking pasya dahil anak ko siya..”

            “ aah kamahalan, maiba ho ako, naniniwala ba talaga kayong si Jin Ho ang nakapatid sa sinulid ng sagradong palaso?”

            “*ngisi* hindi..”

            “ Kung gayon, bakit niyo siya pinarusahan? At ang prinsesa pa na--- wag kayong magagalit kamahalan ah? Na tingin kong tunay na may sala ang intasan niyong lumatay sa kanya?”

             “ Alam ko heneral Dong Jun, tanggap kong nagkasala ang anak ko, wala na kong nagawa ng inako ni Jin Ho ang kasalanan niya, isa siyang kawal na may paninindigan kaya naman alam kong hindi niya ito babawiin, siguro’y, natakot lang siya sa possible kong gawin kay Yoon ah dahil alam niyang hindi ito kaya ng anak ko, kabisado ni Jin Ho ang libro ng batas ng Koguryeo, at bilang taglay niya ang katangiang pagiging maginoo, at pakiramdam niyang mas kaya niya, hinayaan niyang ipataw ko sa kanya ang kaparusahan..”

              “ Bakit hindi niyo nalang binago ang parusa?..hindi po ba parang nakakaawa naman si Jin Ho?”

              “Alam mong hindi ko maaring baguhin ang parusang nakatala sa batas, lalo na’t nanonood pa ang buong konseho, bilang hari at tagapagpasunod, kailangan ko itong sundin, at kung sinumang umako ng kasalanan, siya ang parurusahan, labag man sa aking kalooban, ngunit isipin mo Dong Jun, sa ginawa ko, parang pinarusahan ko narin ang anak ko, isa pa, alam kong hindi aabot sa dalawampu ang latay pagkat hindi ito kakayanin ng puso ni Yoon ah, oo pasaway ang aking anak, ngunit ang makakita ng nasasaktan, yun ang kahinaan ng anak ko, hindi man pisikal ang parusa ko, alam kong nagsisisi na siya sa ginawa niyang pagsira sa palaso, ang mga latay ni Jin Ho na hindi pa sa ngayon tuluyang nawawala ang magpapaalala sa kanya na kapag sumuway pa siya sakin, yan ang aabutin niya.. ”

                “sabagay, may punto kayo kamahalan, pasasaan ba’t maghihilom din ang latay ni Jin Ho, ngunit ang ginawa niyang pag-ako para sa prinsesa, siguradong hindi iyon makakalimutan ng anak niyo..”

               “ Sana nga, hangad ko ang pagbabago niya, pagkat napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanya bilang susunod na reyna ng Koguryeo, kung hindi kayang disiplinahin ng anak ko ang sarili niya, paano niya pasusunurin sa kanya ang nasasakupan niya?”

                “ Kamahalan, wag ho kayong mag-alala, si Ri Jin Ho na ang bahala sa pagpapatino ng anak niyo, mukhang ginagawa naman niya ng maayos ang kanyang tungkulin..”

               “ Heneral Dong Yun, sa tingin mo ba’y may posibilidad na mahulog ang loob nila sa isa’t-is------------Uwaaaakkkk!!!Uwaakkaakkakkk!!

               “ O! Ang ibon na may tatlong paa kamahalan!! Mukhang naayos na ng  espirito ng pumanaw na si Haring Jumong ang sagradong palaso!! Nagbabalik na ang liwanag sa kalangitan!! Aah ano ngang tanong niyo kamahalan? ”

My GRUMPY Soldier! [Completed]Where stories live. Discover now