Kabanata 5 - Unang sulyap sa Prinsesa at Pagtatalaga sa mandirigma..

1.5K 41 6
                                    

A/N

      Eto na po medyo natagalan ko UD censya na po:) 

_______________________________________________________________________________

Kabanata 5

Unang sulyap sa Prinsesa at Pagtatalaga sa Mandirigma..

(May BG song po ulit sa gilid..)

Sa pananaw ng Prinsesa...

" Mahal na prinsesa ayos lang po ba kayo? tila kanina pa kayo hindi mapakali?"

" Hindi ko rin mabatid ang nararamdaman ko, siguro kinakabahan lang ako dahil ito ang unang beses na haharap ako sa buong Koguryeo bilang prinsesa.."

" Ito na po ang simula ng pagharap niyo sa mga responsibilidad dito sa palasyo, handa na po ba kayo?"

"hindi pa nga eh -_-"

" Prinsesa! pinatatawag na po kayo ng kamahalan.."

Haay! ito na nga talaga ang katapusan ng maliligayang araw ko!

Booooooooooooooonnnggggggg!

Booooooooooooonnnnnggggggg!

Booooooooooonnnnnngggggggg!

At yumuko na ang lahat para magbigay pugay sa amin..haaaiissstt!! hindi ako sanay!

Nakakayamot pa tong makating telang nakatalukbong sa mukha ko! bakit kasi kailangang may ganito pa? hindi ba pwedeng ipakilala nalang ako agad?

" Magandang umaga, Buyeo, Okjeo at Dongje! Nais kong magpasalamat sa pagdalo niyo sa kaarawan ng aking anak! at sa puntong ito, masisilayan niyo na ang mukha ng prinsesang, di magtatagal ay magiging reyna ng Koguryeo!"

Hay! sa susunod pala mas malaki na ang ekspektasyon sa akin dahil ako ang susunod sa yapak ng aking ama.. kung nabubuhay lang ang kuya ko, mas madali siguro ang buhay ko..

" Anak, maari mo ng tanggalin ang iyong talukbong.." 

At unti-unti ko ng inangat ang tela sa mukha ko...

" Nais kong ipakilala sa inyo, si Prinsesa Shin Yoon ah!"

At nabalot ng katahimikan ang palasyo...

o_O

Hindi ba nila nagustuhan ang itsura ko? may putik pa ba ko sa mukha?

" Napakaganda ng prinsesa!!!" sigaw ng isa sa mga mamayan ng buyeo..

" Napakaamo pa ng kanyang mukha!! Prinsesa, nakakabighani ang iyong kagandahan!" ganun ba talaga ako kaganda? ahihi!

" Prinsesa Shin Yoon ah! handa akong maging alipin mo habang buhay!!" sigaw naman nung isang lasing na lalaki! nakakatakot naman yun!

Lalapitan sana ako nung lalaki ngunit hinarang siya ng mga kawal... tssshh naalala ko nanaman yung limang lalaking nagtangka sa buhay ko!!

" Ilayo niyo ang lalaking yan dito!" sigaw naman ng aking ama...

 " Aking mga mahal na nasasakupan, maari ko muna bang hingin ang inyong katahimikan para sa isa pang anunsyong aking sasabihin?"

Agad namang silang sumunod...

" Lee Sun Dong, Won Pil Suk at Ri Jin Ho! magtipon kayo ngayon din sa baba ng unang baitang ng bulwagan!"

Bakit kaya sila pinatawag ng aking ama? kasama pa yang Ri Jin Ho na yan! sa wakas nabigkas ko rin ang pangalan niya!

My GRUMPY Soldier! [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora