Kabanata 6 - Ang Masungit kong kawal ;)

1.3K 40 5
                                    

A/N

           Sa mga oras na ito ay maari nyo na po akong paslangin!bwahahahaha! joke! sorry po kung medyo natagalan ako magupdate.. yung utak ko po kasi punung-puno na ng scenes ng NOT my Super Fan girl kaya nagbawas ako at pinost ko na! haha dito naman po ang utak ko ngayon sa My Grumpy Soldier!hahaha

________________________________________________________________________________

Kabanata 6

Ang Masungit kong kawal...

         Sa pananaw ni Ri Jin Ho..

Matapos ang pag-uusap namin ng hari at pakikipagtalo sa prinsesa, inikot ko muna ang buong palasyo ng Koguryeo...

hmm..

hindi pala sa lahat ng sulok ng palasyo, may nagbabantay na kawal..

Kaya naman pala madaling nakakatakas ang prinsesa.. ngunit ngayon, sisiguraduhin kong hindi siya mawawala sa paningin ko..

" Hoy mandirigma!" at may biglang tumawag sakin galing sa likod ko...

Lumingon naman ako..

" Ikaw! maari ka ba naming makausap?" tanong ng tatlong kawal na kasama kanina ng prinsesa..

" Bakit? Anong kailangan niyo?"

" Sigurado ka bang kaya mong patinuin ang prinsesa?" 

" *ngisi*" nakakatawa sila, ba't kaya nila ko tinatanong kung mapapatino ko ang prinsesa?

" At bakit ka naman ngumingisi ha? seryoso ang tinatanong namin sayo! marami ng napatalsik ang hari sa palasyo sapagkat hindi nila nagawa ang kanilang tungkulin sa prinsesa, hindi ka ba natatakot na magaya sa kanila? ngayon palang bata sinasabi namin sayo, umatras ka na.."

" Mga ginoo, sa ipinapahiwatig niyo, mukhang mahirap ngang patinuin ang prinsesa, ngunit kung susuko ako agad, paano ko malalaman ang kakayanan ko? kung ang matalim ngang sandata na hawak ko, kahit mahiwa ang mga braso ko, hindi ko tinigilan hanggang sa matutunan ko, ano pa kaya ang prinsesang ang tanging tungkulin ko ay mapaamo siya? hindi ba't mas madali iyon? "

At nakatulala lang sila sakin..

" Isa pa, ipinagkatiwala siya sakin ng hari at umaasa siya aking kakayahan, kaya't wala akong karapatang umatras pagkat ito ang aking tungkulin.."

o_O

Nang bigla naman silang lumuhod sa harapan ko?

" ahuhuhuhu! *hikbi* labis mo kaming pinahanga sa iyong tapang at determinasyon upang maisakatuparan mo ang ipinag-uutos ng Hari! ngayon lamang kami nakakita ng tulad mong walang kinatatakutan!"

???

at napakamot ako bigla sa ulo.. kahit sino naman siguro yun ang sasabihin hindi ba? sino ba namang kawal ang bigla na lamang aatras dahil lang sa prinsesa? maliban na lamang kung bahag ang kanyang buntot..

" Aah mga ginoo, tumayo na kayo, hindi naman ako hari, upang sambahin niyo.." kahiya-hiya kapag may nakakita sa amin..lalo na ang hari..

" naku! Paumanhin! huy tumayo na nga kayong dalawa! nakakahiya kayo!" ani naman ng isa sa kanila at binatukan ang dalawang kasamahan niya..*ngisi*

" Aah mauna na muna ko,  kailangan ko ng bantayan ang prinsesa, baka nagbabadya nanamang tumakas yun eh! mahirap na! sige mga ginoo!"

My GRUMPY Soldier! [Completed]Where stories live. Discover now