Kabanata 28 - Di inaasahang pagkikita...

797 26 0
                                    

Kabanata 28

         Di inaasahang pagkikita...

         [ Pananaw ni Ri Jin Ho]

                      Matapos ang pagtatanghal ng prinsesa sa bulwagan, kaagad naman niya akong niyayang lumabas ng palasyo na may pahintulot ng kanyang ama...

                      " Kawal ko! hay! napakasaya ko ngayong araw na ito alam mo ba yun?! tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan! sa wakas natapos din ang sayaw!hihi!" ani niya sakin habang walang mapagsidlan ang ngiti sa mga labi niya *ngisi*"

                        " sabi ko naman sayo magagawa mo e, basta't magtiwala ka lang sa sarili mo-------ng may bigla naman akong may nakabunggong nakasumbrerong matandang lalaki ..

                         " Naku paumanhin hijo, hindi ko sinasadya.. paumanhin.." at naglakad na  ito palayo ng paika-ika habang lumilingon- lingon sa amin ng prinsesa.. 

                            pilay pala ang kanang paa niya kaya't hindi sinadyang nabunggo niya ako,hirap siyang maglakad sa dami ng tao ngayon sa liwasan.. kawawa naman...

                         " ayy kawawa naman yung matanda Jin Ho nu? wala ba siyang apo o anak manlang na aalalay sa kanya?"

                         " hindi ko alam prinsesa ko.."

                    " hayy..aah kawal ko, maiba ako, sa tingin mo ba? hindi napansin ni ama ang pagkakadapa ko? hindi kaya niya nahalata na hindi ko sinasadyang mapaluhod?"

                         " hmm.. malamang alam niya, ngunit hindi niya ito tiningnan bilang isang pagkakamali, tiningnan niya ang positibong parte ng pagkakadapa mo at mas pinili niyang ipagmalaki ka sa lahat kaysa pahiyain ka at mawala ang respeto nila sayo, ganyan ka kamahal ng hari prinsesa ko *ngisi*"

                          " haayy.. alam ko naman yun eh...kaya nga magtitino na ko e para sa kanya, simula ngayon, gagawin ko na ang pangunahin kong responsibilidad bilang prinsesa, ngunit mamaya pa!! magtungo muna tayo sa ihawan kawal ko! nagutom ako sa pagsasayaw e!"

                            "*ngisi* ikaw talaga o.. siya sige.."

 ..........

                              " *nguya* hoooohh!! ang anghang!! ngunit mosorop!!hohoho!!" subo niya sa inihaw na pusit na may harina...

                          " *lunok* Jin Ho!! ang sarap o!! tikman mo dali!" abot naman niya sakin ng hawak niya

                           " *ngisi* sige na ayos lang, baka kulang pa nga sayo yan, ubusin mo na.."

                          " bibili pa naman ako e!hihi! sige na isang kagat lang Jin ho:) aahh!!" at sinubuan niya ko, ayos ah?

                          " *nguya* masarap nga *ngisi*"

                          " sabi sayo e! hihi!"

                          " isa pa nga? parang mas masarap yung inihaw na pusit pag ikaw ang nagsusubo e *ngisi*"

                            " hmp! ikaw! gusto mo pang sinusubuan ka bago mo tikman eh nu?tsshh.. ito o!!"

                             " *nguya* sandali? parang sumama yata yung lasa? siguro dahil nagmamaasim yung nagsubo?"

                              " Ayy!! Jin ho naman e! "

                              " Biro lang.. sige kumain ka lang dyan *ngisi*"

My GRUMPY Soldier! [Completed]Where stories live. Discover now