Kabanata 29 - Pagkatuklas ng isang lihim...

804 24 0
                                    

Kabanata 29

         Pagkatuklas ng isang lihim...

         [Pananaw ni Minsuk]

                     umaga sa silid ng mga kawal...

                    Habang mag-isa ako sa silid, pagkat abala sa pag-eensayo ang dalawang kasama ko at si Jin Ho naman ay kasama ng prinsesa...

                     " Hay tingnan mo nga naman salamin kung gaano ko kaganda sa hanbok na ito! buti na lamang at pinahiram sa akin ng prinsesa ang isa sa kanyang mga kasuotan.."

                      sabi ko sa salamin habang pinagmamasdan ang aking itsura, kung naging babae lang sana ako, marami sigurong kawal ang magkakaroon ng pagtatangi sa kagandahan ko, ngunit ipinanganak akong isang lalake, at ngayon, isa pa ako sa mga kawal ng Koguryeo...

                        nang bigla namang bumukas ang pintuan ng aming silid!!

                       " Minsuk may dala ko para sa-------O____O S-soo Young?!"

                       at nabitawan niya ang tsa-ang dala niya!

                        " M-minsuk? b-bakit ganyan ang itsura mo? b-bakit nakasuot ka ng hanbok at m-may kolorete ang iyong mukha??" nauutal-utal niyang tanong sakin, hindi dapat niya ko nakita ng ganito..tsshh..

                      " w-wala..w-wala kang nakita diba?  l-lumabas ka ngayon din!! labas!" sa taranta ko hinila ko siya palabas ng silid ngunit nagmatigas siya at sa halip na lumabas, sinara niya ang pintuan..

                     " *hikbi* s-sagutin mo muna ang tanong ko Minsuk, bakit nakaayos ka na parang isang..p-parang isang b-babae?"

                         " kung anuman ang nakita mo ngayon, wala ka ng pakialam dun, hindi ko kailangang magpaliwanag sayo, kaya lumabas ka na!"

                " G-gusto kong malaman Minsuk! gusto kong malaman p-pagkat..." at natigilan siya..

                   " pagkat ano?! bakit ka natigilan? "

                  " Pagkat may pagtatangi ako sayo Minsuk!!*hikbi*  at gusto kong malaman k-kung bakit nakasuot ng pambabae ang lalaking tinatangi ko! "

                  " S-soo Young..."

                 " H-hindi mo ba nararamdaman? *hikbi* nung dinalhan kita ng tsokolate, alam mo bang nagpaturo pa ko kay Jin Ho noon para lang makuha ang timplang gusto mo?kasi gusto kong mapansin mo ko, at n-nasaktan ako ng hindi mo iyon tinanggap, pero hindi ako nawalan ng pag-asa, naiisip ko  baka wala pa sa isip mong magkaroon ng kasintahan pagkat abala ka sa pagiging kawal mo, t-tapos ngayon, m-makikita kitang nakasuot ng g-ganyan? *hikbi* "

                   " Kung gayon kalimutan mo na yang nararamdaman mo para sakin pagkat kahit kailan hindi ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay mo, ibaling mo na lamang yan sa iba, sa isang tunay at pusong lalake..."

                      "*hikbi* nayayamot ako sayo! nakakayamot ka Minsuk!! s-sana noon palang sinabi mo na sa akin ito! sana noon palang pinakita mo na na isa ka palang bina-- binabae! *hikbi* nang sa gayon hindi na ko umasa at nasasaktan ng ganito ngayon!" 

My GRUMPY Soldier! [Completed]Where stories live. Discover now