Kabanata 19- Ang Sagradong Palaso...

1K 32 1
                                    

Kabanata 17 – Ang Sagradong Palaso..

             [sa pananaw ng prinsesa]

            Matapos ang ilang araw kong pageensayo sa paggamit ng palaso, magtutungo kami ngayon ni Jin ho sa kweba kung saan nandoon ang sagradong palaso, kayamot nga at ba’t siya pa ang pinasama sakin -__-

         sabi ni ama, kailangan kong pumunta doon bago ako sumabak sa pagpana  dahil lahat ng namuno sa Koguryeo ay hinawakan iyon upang humingi ng gabay..

             “ Prinsesa, handa ka na ba?” tanong sakin ni Jin ho..

             “ haay gusto kong makita’t mahawakan ang palasong iyon! Sabi ni ama, malaki daw iyon eh!”

             “ tama ka prinsesa, malaki nga iyon..”

             “ hmp! Hindi naman ikaw ang kausap ko! yung sarili ko!” sabay irap ko sa kanya! Hindi pa kami bati noh!

             “ galit ka pa ba sakin?”

            “ sa tingin mo? Kahit sinong prinsesa o babae magagalit sa ginawa mo eh!”

            “ patawarin mo ko..patawarin mo na ko prinsesa..” nakayuko niyang sabi..

sa unang beses, ang masungit at mayabang kong kawal yumuko at humihingi sakin ng tawad?

          Isa itong napakalaking himala!

           Kung patawarin ko na kaya siya? Nakakaawa naman yung itsura e…

           “ Hindi mo na uulitin?”

            “hindi na..”

            “ s-sige, pinapatawad na kita, ngunit pag inulit mo yun ulit itatarak ko sayo yang sandata mo! Isang tanong pa, wala ba talagang ibig sabihin sayo yun?”

             “ maari bang t-tayo na prinsesa..”

              O__O

             “a-anong sinabi mo?”

             “ tayo na..”

             “anong  tayo na?”

             “ tayo na sa kweba ng sagradong palaso bago tayo abutin ng gabi..”

           “ aah..” kala ko naman kung ano! Haay kinabahan ako dun ah? -____-

           At lumabas na kami ng palaso..

Sa kweba ng sagradong palaso…

               “ WOAAAHH!! A-ANG LAKI NGA NG SAGRADONG PALASO! TIYAK KONG PATAY AGAD ANG TATAMAAN NIYAN!”

                “ Sabi nila ang palaso daw na yan ang nagbibigay balanse at kaayusan sa buong Koguryeo at si Haring Jumong ang nagmamay-ari niyan maraming taon na ang nakakaraan, siya ang tinaguriang ehemplo at henyo sa paggamit ng palaso na kahit nakapikit o nakapiring ang mata, tumatama lahat ng pinakakawalan niya sa gitna..” paliwanag naman ni Jin ho..

                “ aah.. si haring Jumong pala ang may-ari ng palaso na yan! Mayroon nga siyang larawan sa loob ng palasyo eh! Napakakisig niya! May pagtatangi nga ko sa kanya noon eh, siya na siguro ang pinakamakisig at maamong mukha na lalaking nakita ko sa buong buhay ko..haayy.*__*”

My GRUMPY Soldier! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon