Kabanata 30 - Panibagong sulat...

798 23 3
                                    

Kabanata 30 

           Panibagong sulat...

           [Sa pananaw ni Soo Young]

                           " M-minsuk, kumuha nga pala ko ng mga halamang gamot upang maghilom ang mga sugat at pasa mo, m-mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Minsuk na nakatulala lang sa malayo habang nakaupo kami sa may bulwagan...

                   " Soo Young..  sa tingin mo ba may pag-asa pang... matanggap ako ni ama?" matamlay niyang sabi imbis na sagutin ang tanong ko kung mabuti na ba ang pakiramdam niya...

                      " N-nabigla lang siguro ang ama mo kanina nung nalaman niya ang tunay mong pagkatao, ngunit ama mo parin siya, parang ako, nabigla din, pero andito parin ako sa tabi mo diba? pasasaan ba't matatanggap ka rin niya.. aah maari bang humarap ka muna sakin upang mapahiran ko yang sugat sa mukha mo?"

                                " s-sige, salamat Soo Young... salamat at nandyan ka upang damayan ako.."

                                " walang anuman..  Minsuk, kahit nasaktan ako sa pinagtapat mo sakin, mahal kita, at mananatili ako sa tabi mo bilang kaibigan.." at ngumiti siya ng bahagya..

                                  yung ngiti niya, parang walang nagbago sa pagkatao niya, parang siya parin yung lalaking minsan kong hinangaan...

                                   haay minsuk... sana nga madaling kalimutan ang naramdaman ko noon para sayo....

                                 kaso nagtapat na siya e, at hindi ko na mababago ang pasya niya...

                                   " Soo Young.. maari ba kitang y-yakapin?"

                                   O//////////////////////////////////////O

                       "h-ha---------hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla niya kong niyakap at narinig ko nalang ang paghikbi niya sa balikat ko...

                      "*hikbi* a-akala ko kapag pinagtapat ko ang tunay kong pagkatao makakahinga na ko ng maluwag *hikbi* ngunit masakit pala, masakit na ikahiya at isumpa ka ng sarili mong ama *hikbi*" at umiyak na siya ng tuluyan...

                        " s-sige lang Minsuk, iiyak mo lang ang sakit na nararamdaman mo..mas mahirap k-kung.. itatago mo lang yan sa sarili mo.. nandito lang ako.." pampalubag loob kong sabi habang marahan kong tinatapik ang likod niya, hindi ko alam kung pano maiibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon, ang tanging magagawa ko lang, ay manatili sa tabi niya...

                   [Pananaw ng Prinsesa]

                      sa loob ng palasyo...

                    Haay.. sana sa pag-uusap namin ni ama, matanggap niya si Jin Ho bilang kasintahan ko, pagkat naging mabuting kawal naman siya at tagasunod sa batas ng Koguryeo pati narin sa aking ama...

                       Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa silid ng aking ama, nakita ko namang hindi nakalapat ang pintuan kaya naman dahan-dahan akong lumapit...

                       ngunit tila natigilan ako sa bigla kong narinig na pag-uusap ng heneral at ni ama....

                        " Mahina ang prinsesa kamahalan, at huwag ho sana ninyong mamasamain, ngunit sa tingin ko ay hindi niya kayang pamunuan ang buong Koguryeo, mas makakabuti ho siguro kung....kung papayag kayo sa hinihiling ng hari ng han dito sa sulat, n-na... ipakasal ang prinsesa sa anak niya bilang kapalit ng hindi pag-angkin sa kalahati ng ating kalupaan, kabuhayan at kalayaan ng buong mamayan ng Koguryeo... "

My GRUMPY Soldier! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon