Kabanata 7 - Unang leksyon ng Prinsesa...

1.2K 38 3
                                    

Kabanata 7

Unang leksyon ng Prinsesa...

(Sa Pananaw ni Ri Jin Ho)

               pagbabalik-tanaw sa naunang kabanata..

             Asan na kaya ang ginuhit niya? Alam ko namang hindi niya yun pupunitin...

            hmm...

             at may nakita akong hugis rektanggulong nakabalot sa puting tela, ito na nga siguro yun...

             " Lalabas na ko prinsesa.." at hindi niya ko pinansin o tiningnan manlang *ngisi*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Paglabas ko, dumiretso naman ako sa aking silid upang tingnan nga ang "napakaganda" raw niyang obra...

             Ano kayang ginuhit niya at tawang-tawa siya? At binuksan ko na ito....

o________________________________O

Sandali lang? 

A-ako ba to?

Haaaaiiisstt! tsk! Ang babaeng yun!

Nang biglang may pumasok sa silid ko kaya tinago ko muna sa likod ko ang ipininta ng prinsesa...

" O Ri Jin Ho? anong ginagawa mo dito? hindi ba dapat binabantayan mo ang prinsesa?" tanong ni Minsuk, isa sa tatlong kawal..sila kasi ang kahati ko sa silid na ito..

" K-kasalukuyan siyang natutulog sa kanyang silid, isa pa, natapilok siya kanina kaya hindi niya magagawang tumakas..." 

" Aaah..sandali? tila ata nangangamatis sa pula ang iyong mukha Jin Ho? at ano nga pala yang tinatago mo sa likod mo?"

" Aah w-wala ito, ipininta lamang ng prinsesang pinapatapon niya na..."

" O? itatapon na pala eh! patingin naman Jin Ho! sayang naman kung ikaw at ang prinsesa lang ang makakakita niyan!"

" Aah hindi maaari.. mahigpit na bilin sakin ng prinsesa na walang ibang makakakita nito, kaya nga pinapatapon niya.."

" Ganun ba? siya sige! kung bawal talaga, sigurado kong hindi kaaya-aya ang itsura niyan kaya ipinapatapon na ng prinsesa! ang  masaklap nakita mo pa! kaya ka ba namumula?sa sobrang panget ng pininta ng prinsesa? ahahahaha! makatulog na nga lang!" at sumalampak na si Minsuk sa higaan niya..

-___________________________- 

Hindi talaga kaaya-aya! sukatin ba namang palitan ng ilong ng baboy ang ilong ko? kaya pala siya tawa ng tawa kanina at ayaw niyang ipakita sakin, ako pala ang naisip niyang ipinta at babuyin..ang prinsesang yun talaga! Aiiiisssssshhhhh! kung hindi lang siya anak ng hari at hindi siya babae, pinatulan ko na siya..

teka....

May nakasulat pa pala sa baba....

Ang    Masungit      kong------------" Ang masungit kong kawal....... Ri Jin Ho?"

Masungit pala ha? makikita niya..*ngisi*

(pananaw ng prinsesa)

              Asan na ba kasi yun eh!!! patay ako pag hindi ko agad natagpuan yun! p-pano pag nakuha na nga talaga ni Ri Jin Hoink yun? 

My GRUMPY Soldier! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon