Kabanata 11 - Isang panaginip...

1K 30 4
                                    

A/N

         Ang pananaw ni Ri Jin Ho... narito po sa kabantang ito:)))

_____________________________________________________________________________________

Kabanata 11

Isang panaginip...

        (Sa pananaw ni Ri Jin Ho)

        Matapos kong iwan ang prinsesa, nagtungo naman ako agad sa aking silid...

       Bakit ba gustong-gusto niya ang pandigma ko? samantalang napakarami namang iba pang mas maganda kaysa dito.. paratangan niya na kong madamot at lahat, ngunit hindi ko ito maaaring ibigay sa kanya...

     Ang dahilan? pagkat mahalaga ito sa akin at ang kaisa-isang alaala ng ng aking ina noong nabubuhay pa siya.. siya mismo ang nagtahi nito bago siya pumanaw..mayroon daw kasing pangitain ang aking ina, na balang araw magiging isa akong mandirigma..sinabi iyon ng tiya ko saakin kaya naman hindi ko ito basta-basta na lamang maaaring ibigay sa kahit sino, kahit sa prinsesa pa..

         Makatulog na nga lang...

 .

.

.

.

.

" Aaaahh!!! Tulong!!!! t-tulungan mo ko!!*hikbi* " 

" akin na ang kamay mo!!!"

" H-hindi ko kaya!  *hikbi* "

" iabot mo sa akin ang isang kamay mo pakiusap!"

" h-hindi ko maabot! *hangos* *hikbi*" 

" S-sandali lang kukuha lang ako ng mahabang tangkay.."

" dalian mo parang awa mo na!! hikbi*"

.

.

"Heto na!! kaya mo na bang abutin?!"

" O-oo..*hangos*

"n-natatakot ako! *hikbi* " 

kaya mo yan! Ayan sige, malapit na..konti nalang...wag na wag kang titingin sa ibaba!"

" oo..*hangos* nanghihina na---------------------nang biglang nabuwag ang mga batong kinakapitan niya!

" Aaaaaaaaaahhh!!!!" 

" Hindiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!"

------------------------------------------------------------------------------------------

" Hindi!!!" nang bigla akong napabangon at napasigaw..

Panaginip nanaman pala....

Ang panaginip na yun, iyon din ang panaginip ko kaninang hapon...

At sino ang babaeng nasa panaginip ko na nahulog sa bangin? bakit kamukhang kamukha siya ng prinsesa?

isa pa? bakit naroon ako?

Anong nais ipahiwatig ng panaginip na iyon sa kasalukuyan at paulit-ulit ko siyang napapanaginipan? 

Ngunit ang nakapagtataka...

Ang kasuotan ng babae sa panaginip ko, gayon din sakin ay tila kasuotan pa ng mga sinaunang prinsesa at kawal ng Koguryeo...

Imposibleng sa kasalukuyan siya nangyari..ngunit hindi ko parin maiwasang mag-alala pagkat hindi ko pa mawari ang kasagutan sa katanungan ko...

Kaya't habang hindi ko pa nalalaman ang ibig sabihin ng panaginip na iyon.. kailangan kong bantayan ng mabuti ang prinsesa kahit kulang nalang ay ipagtabuyan niya ko...

Labis akong nag-alala sa kanya kanina nang muntikan na siyang mahulog sa bubong..hindi man sa bangin ngunit parehong- pareho sa nangyari sa panaginip ko... paano nga kung mangyari talaga iyon?paano kung nahulog nga siya? hinding-hindi ko mapapatawad sa sarili ko..para saan pang naging kawal ako kung hindi ko maililigtas ang prinsesa?

Oo, siguro nayayamot ako sa kakulitan, katamaran, kaingayan, kagandaha--------- hooohhh!! ano bang pinagsasabi ko? pambihira! 

Ngunit isa lang ang nararamdaman ko ngayon.....

Kailangan niya ko....

At kung akala niya hahayaan ko siyang makatakas pang muli at may mangyari nanamang masama sa kanya, pwes nagkakamali siya, kanina mabait pa ko dahil nag-alala ko ng husto ngunit hindi siya matututo kung magiging maluwag ako sa kanya...

Kung mahigpit ako noon...

Mas mahigpit ako ngayon!

Alam ko kasusuklaman niya ko ng husto sa mga darating na araw, ngunit kung kailangan kong maging pusong bato, mapatino lang siya gagawin ko...

kahit minsan alam kong nasasaktan siya sa mga pinagsasasabi ko..na labag din naman sa damdamin ko..para din naman sa kanya yun e..

At sana balang araw, maintindihan niya kung bakit ko ginagawa yun...

_____________________________________________________________________________________

A/N

           At yan na po ang aking UD ngayong araw na to:) abangan niyo po ang mga susunod pang kabanata:)) sorry po maikli lang..babawi po ako sa mga susunod na kabanata...

My GRUMPY Soldier! [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang