Chapter 12

26 3 0
                                    

REVIEW

Medyo maaga akong nakapasok sa trabaho ko at dahil iyon sa mabait na si Chad. Ibang-iba talaga siya sa isa sa mga kaibigan niya lalo na kay Zach. Paano kayang napagtitiisan niya ang lalaking 'yon, e ang sama-sama ng ugali niyon. Walang-wala siya kumpara kay Chad.

Iwinaksi ko na lang muna ang mga naiisip ko tungkol sa magkaibigang 'yon at nang makapasok sa bar ay nagsimula na rin kaagad magtrabaho. Sina tita Diana at tito Kris na ang nandito, kababalik pa lang habang si ate Cristal ay paniguradong nasa Flower Shop niya.

Sariling business niya 'yon at masasabi ko ngang doon na talaga ang buhay niyon. Tahimik lang kase roon at ang bango pa ng buong paligid.

Katulad ng dati, natapos ang trabaho ko ng hating-gabi. Ang hirap pang maghanap ng sasakyan pauwi sa ganitong oras. Mabuti na nga lang at may mga taxi pang paminsan-minsan akong nasasakyan pauwi.

Pero kung minsan kapag walang-wala na talagang dumadaang sasakyan ay wala na akong ibang magawa kun'di ang maglakad na lamang pauwi. Inaabot 'yon ng halos isang oras kaya nakakauwi ako ng mga alas dos na. Mas mabuti pa nga kung may taxing dumaraan, mas nakakauwi ako ng maaga.

Halos mag-uumaga na ng makauwi ako ng bahay, sobrang pagod ko pa dahil naglakad lang ako pauwi. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa maliit kong papag matapos kong tingnan si Nay na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito. Kanina pa ako inaantok kaya naman wala pang isang minuto ay nakatulog na kaagad ako.

Nagising ako ng antok na antok pa rin at gustuhin ko mang matulog ay hindi pwede dahil may quiz kami ngayon sa first subject namin kaya hindi kami dapat na malate.

Ipinaghanda ko muna si nay ng agahan, hindi ko na ito nasabayan pa sa pagkain dahil kailangan ko pang review-hin ang libro ko sa Physics na nasa locker ko. Hindi na rin naman siya nagulat roon at kahit ayaw niya ay wala na rin naman siyang nagawa. Nag-aalala man ay hinayaan na lamang niya akong takbuhin ang paroroonan ko.

Kaunti pa lamang ang tao pero sa sobrang bilis ng kilos ko ay parang late na ako nakarating dito. Kasalukuyan kong tinatakbo ang locker area para kunin ang isa pang librong kailangan kong ireview sa locker ko. Hinihingal akong huminto sa tapat ng mismong locker ko at nagpakawala muna ng malalim na hininga saka ito binuksan.

Tahimik akong nagreview rito sa isang bench sa likod ng isa sa mga main buidings rito sa HOuLYn Hellion University. Sa totoo lang ay ngayon pa lang ako nakapunta rito, tiningnan ko kase rito mula sa malayo at wala kong nahagip na tao sa side na ito kaya paniguradong tahimik rito, saktong-sakto para mabilis akong matapos na mag-review.

Nakaramdam ako ng gutom pero isinawalang-bahala ko na lamang iyon, wala na kase sa isip ko ang mag-almusal pa talaga kanina, ipinagluto ko lang si nay tsaka dumiretso kaaagad rito sa University. Kinain ko na lamang ang dalawang saging na tanging pagkain rito sa bag ko habang nakatutok sa binabasa ang atensiyon at mga mata ko.

Sa sobrang lubog ko sa pagre-review ay hindi ko na napansin ang dahan-dahang pag-iingay ng mga tao na naririnig ko mula sa malayo. Hindi ko man lang napansin na kalahating-oras na pala akong nagre-review rito at ang unti-unting pagdami ng mga tao rito.

Kaunting-kaunti na lamang ang babasahin ko sa libro ko ng biglang may humalbot nito mula sa likuran ko. Mabilis kong binalingan ng tingin ang direksiyon niyon at hindi gulat ang naramdaman ko kun'di inis ng makita ko ang mukha ng ng lalaki sa harapan ko. Galit akong napabuntong-hininga saka mabilis na tumayo para kunin yung libro ko na hinalbot lang naman ng lalaking papansin na ito.

Hidden PersonaWhere stories live. Discover now