Chapter 36

23 2 0
                                    

STRANGE

Nagsimula na ang second game, nandito na sa harapan namin ang mga test questionnare na siyang sasagutan ulit namin. Kailangan kong mas lalo pang pag-igihan sa pagkakataong ito. Dumaan ang ilang sandali at habang abala sa pagsagot ang lahat ay masasabi ko ngang mas mahirap ito ngayon kumpara kanina.

Hindi pa man ako nangangalahati ay maraming beses ko ng nahuhuli ang sarili kong tulala habang iniisip ang pinag-usapan namin ni Trixie. Hanggang ngayon kasi ay pinoproseso pa lang ng utak ko ang mga sinabi niya.

Hindi ko sukat akalaing may cancer siya at ngayon nga ay tatlong buwan na lang ang natitira sa kaniya. Marami rin ang galit sa kaniya dahil sinaktan niya ang puso ng taong mahal niya. Ang Shawn na iyon at isa na nga ro'n ang Hellion3.

"Miss Delay!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko sa sigaw na iyon. "You came here for the competition, not to fly with your brain in the middle of this game!"

Agad akong nataranta nang mapagtantong natulala na naman ako at ngayon nga ay nahuli na ako ng guro.

"Baka naman gusto mong ihagis kita sa labas," narinig ko ang tawanan ng ilan at wala na 'kong iba pang nagawa kun'di ang mapatungo na lamang. "Are your thoughts going to help you answer your test paper huh? Nahiya naman ako sa 'yo, kamusta? Nadala kana ba niyang mga imahinasyon mo sa outer space, huh?"

"Sorry po," nakatungong sambit ko.

"Sa 'yo na 'yang sorry mo, balik na sa pagsagot!"

Bumalik kaagad ako sa pagsagot matapos ang kahiya-hiya na namang pangyayari. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang tawa ng ilan dito sa silid. Sinubukan kong pansamantala munang tanggalin sa isip ko ang nangyari at magpokus na lamang ngayon sa pagsagot.

Pero hindi nagtagal ay nagulat ako nang nagbell na kaagad hudyat ng pagtatapos ng tatlong oras. Katulad ng nangyari kanina ay nagbaba kaagad kami ng ballpen sabay taas ng dalawang kamay pagkatapos. Pero nakapako ang mga mata ko sa testpaper na sinagutan ko. 493 pa lang ang nasagutan ko.

Hanggang do'n lang at blanko pa ang iba! Ano bang nangyayari sa 'kin, mas malala pa ito kumpara kanina! Kinuha na ang mga sagot namin. Katulad ng nangyari kanina, pinahiya na naman ako ng guro at pinagtawanan ako ng mga estudyante rito sa silid. Jusko, maling mali 'to!

"What's happening to you Miss Del Rey? I thought you could suit in this competition, I thought you're that smart enough but you just disappoint me!" Bulyaw sa 'kin ni Prof matapos ang patimpalak.

"Sorry po, Prof," tanging sambit ko.

"How come, there is no results yet as to who will won, but we surely don't have a chance right now. When did it happen that you answered only half of all the items given? Hindi pa nga nangangalahati Yung isa? Now, what face are we going to present to Mr. Principal and the other faculties, huh? Miss Del Rey, I'm serious about this, sana man lang nagseryoso ka rin!"

"Sorry po, Prof."

"Your sorry can't change anything. Humanities is a very important position, that's where the NIO admins will hire a representative to represent the country for the International Intelligence Olympiad, and now it's gone! Even only a bit chance."

Sa ngayon ay parang gusto ko na lamang umiyak sa sobrang galit niya.

"We don't have, because of what you did! Kampante pa akong may chance tayong manalo. If you just want to embarrassed me with Mr. Principal and the other faculties, our University for other Universities, Mr. Principal to his friends then you just did a great great job! You embarrassed everyone that are expecting you to suit the position given to you!"

Hidden PersonaWhere stories live. Discover now