Chapter 31

24 1 0
                                    

PERSONAL MAID

Katulad ng sinabi ni yaya Niña naglakad ako papunta sa thirdfloor. Nag-aalangan pa 'kong kumatok sa may kwartong nasa may pinakadulo dahil baka mali iyon. Sa huli ay kinatok ko pa rin ang pinto pero parang walang tao at hindi man lang iyon bumubukas. Tulog pa yata ang bagong amo ko.

Tatlong beses na akong kumakatok pero wala pa ring nangyayari kaya naman nang hawakan ko ang door latch ay nagulat ako ng mamalayan iyong bukas. Dahan-dahan ko iyong binuksan habang kinakabahan. Pumasok na rin sa aking isipan ang huling sinabi ni yaya Niña na mag-ingat daw ako.

Hindi pa man tuluyang nakabukas ang pinto at nahahagip na ng mga mata ko ang buhok ng lalaking balot na balot ng kumot ang katawan. Nakadapa ito kaya hindi ko maaninag ang mukha. Dahan-dahan naman akong humakbang palapit rito tsaka marahang tumikhim. Pero wala pa ring rin nangyari.

"Sir?" Tawag ko rito gamit ang pangalang tinawag sa kaniya ni yaya Niña.

Ngunit wala pa ring tugon galing sa kaniya. Nag-aalangan man ay pinilit ko pa ring hawakan ang braso nito na nababalutan ng kumot at marahan iyong niyugyog.

"Sir? Gising na po." Sambit ko ngunit wala pa ring tugon.

Ba't ba ang hirap niyang gisingin, samantalang ako ay isang tawag lang sa pangalan ko ni nay ay gising na kaagad ako. Nasa braso niya pa rin ang isang kamay ko habang marahan itong niyuyugyog nang bigla itong kumilos at halos mapugto ko ang sarili kong hininga ng makita ang mukha nito pagkatapos nitong tumabingi ng higa.

Parang napaso ang kamay ko at kaagad iyong napaiwas sa kaniya ngunit napatili ako bigla nang hawakan niya ang kamay kong palayo pa lang sa kaniya at hinatak iyon pahiga, papunta sa tabi niya.

Walang kahirap-hirap namang napasunod ang katawan ko sa ginawa niya at kasabay niyon ay ang pag-yakap ng isang kamay niya sa aking baywang. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago ako tuluyang nakabawi sa pagkabigla.

"Zach-" sinusubukan kong kumawala sa pagkakayakap sa kaniya pero mas lalo lamang niya 'kong hinahapit payakap at palapit sa kaniya.

"Stay still..." parang ungol lang 'yon na lumabas sa bibig niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Papalag na sana ulit ako sa pagkakayakap niya nang biglang mahinto ang mga mata ko sa mukha niya. Ang perpekto... ang puti at kinis ng pisngi niya. Ang tangos ng ilong niya, kahit bagong gising ay ang pula ng mga labi niya... Aishh! Bakit ba laging ganito?!

Kahit sobra niya ng sama, pinupuri ko pa rin ang kagandahang lalaki niya. No'ng una sa may tree house, puring-puri ko siya kahit bagong gising lang siya. Ngayon naman ay kahit tulog pa siya at may kasalanan pa siya, pinupuri ko pa rin siya. Jusko, sinisira ng lalaking 'to ang tamang pag-iisip ko.

Habang nakatitig sa maganda niyang mukha ay unti-unti kong nararamdaman ang pananahimik ng aking kalooban. Hindi ko na namamalayang sa gitna ng aking pagtitig sa kaniya ay ang dahan-dahang pagpikit ng aking mga mata.

Nagising akong medyo magaan-gaan ang pakiramdam ko. Nagugutom na rin ako dahil ramdam ko ngayon ang pagkulo ng tiyan ko. Napakusot na lamang ako sa mga mata ko pagkatapos ayusin ang salamin ko.

Napuno ng kaba ang buong katawan ko nang magliwanag ang lahat sa paningin ko. Nandito pa rin ako sa napakagandang kwarto at nakahiga sa napakalambot na kama rito. Nasapo ko ang mukha ko sa gulat nang makita ang orasan sa dingding ng kwarto. 5:33 PM na?

Hidden PersonaWhere stories live. Discover now