Chapter 23

24 3 0
                                    

VISIT

Mabilis akong nakarating sa sinabing hospital ni Mana Tisya kung saan naroon si nay. Kaagad kong tinungo ang reception line na may dalawang nurse para mapagtanungan kung nasa'n o saang kwarto naroroon si nay.

"Nasa room 12 sa second floor po, miss," anang nurse pagkaraan ng ilang segundo.

Halos takbuhin ko na ang second floor para mabilis lamang na makarating doon. Labis na 'kong nag-aalala kay nay, gustong-gusto ko na talaga siyang makita.

Mabilis ang aking lakad papunta sa nasabing room at hindi pa man nakakalapit ay sumalubong na sa 'kin si Trisha, ang kapit-bahay din naming anak ni Mana Tisya. Nakaupo lang siya sa isa sa nga upuan na nasa gilid ng hallway, nakayuko rin ito at mukhang hindi pa napapansin ang pagdating ko.

"Trisha?" Marahan ko itong tinapik sa balikat at napatayo naman siya ng makita ako.

"Yeri!"

"Nasa'n si nay? Kumusta siya? May nangyari bang masama sa kaniya?" Hindi ko na mapigilang sunod-sunod na itanong sa kaniya ang bumabagabag ngayon sa buong sistema ko.

"Hindi ko alam, hindi pa kas lumalabas ang doktor na nagchi-check sa kaniya sa loob," aniya sa malungkot na boses. "Kararating pa lang kasi namin, kasama ko ang pinsan kong si Tristan para dalhin kaagad siya rito sa ospital, umalis na kaagad dahil may kailangan pa raw gawin kaya ako na muna ang narito."

Wala na 'kong tinugon pa sa kaniyang tinuran. Tahimik akong naupo sa isa sa maraming upuang nasa gilid lang ng hallway, gano'n na rin siya. Tahimik lang kaming pareho, pero nagsisigawan ngayon ang sisi sa isip ko. Wala namang ibang may dapat sisihin nito kun'di ako. Kung umuwi lang sana ako ng maaga ay hindi magyayari ang gan'to.

Ilang sandali pa muna kaming naghintay na lumabas ang doktor. Sa sandali rin iyong ikinuwento sa 'kin ni Trisha ang buong pangyayari. Kanina pa raw nag-aalala si nay sa 'kin, alam 'yon ng mama niya dahil magkalapit-bahay lang naman sila at sa kaniya naibubuntong ni may ang pag-aalala sa 'kin.

Pinakalma raw ito ni Mana Tisya at sinabi pang uuwi rin 'yon. Pagkatapos daw na magluto ng ulam si Mana Tisya ay naglagay daw ito sa mangkok para sana ibigay sa 'min pero pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang nakatihaya sa sahig at walang malay na si nay.

Halo-halong emosyon ang kasalukuyang bumabalot sa puso ko, nangunguna doon ang takot at kaba. Tahimik na lamang akong napapaluha at nananalanging sana ay walang mangyaring masama kay nay. Siya lang ang pamilya ko kaya sana naman mapagbigyan ang kahilingan ko.

"Tahan na, Yeri." Naramdaman ko ang dahan-dahang paghagod ng kamay ni Trisha sa likod ko, pero hindi niyon kayang patahanin ang luhang masaganang dumadaloy sa aking mga mukha. Mabilis kaming napatayo ng lumabas ang isang doktor sa kwarto kung sa'n naroon ang nay ko.

"Dok, kamusta po ang nay ko? Ayos lang po ba siya?" Mabilis kong pinalis ang luha sa aking mukha.

"She had a heart attack, almost an hour's ago. Good thing they took the patient here in a brief time before it's too late."

Bumuntong-hininga siya.

"We have already done the test chest X-ray for her to check the size of her heart and it's blood vessels and also to look for fluid in her lungs to treat her condition. Aside from that we also applied so many more tests on her such as echocardiogram, coronary catheterization even MRI and there, I found out that she was living a Silent Heart Attack condition for so many years."

Hidden PersonaWhere stories live. Discover now