Chapter 1

95 8 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Ly? What are you doing here?" Gulat na tanong ko nang maabutan ko si Lynard na nasa living room namin habang nakikipaglaro kay Kyle -- my three year old brother.

"Hi, Kay! Good Morning" nakangising bati niya kaya lalong napataas ang kilay ko. Nakabihis na siya ng uniform ng STAA at talagang bagay na bagay sa kanya yun. Mukha siyang mabuting estudyante maliban na lang sa hikaw niya sa kaliwang tainga na nangingintab sa tuwing tinatamaan ng ilaw.

"Ano ngang ginagawa mo dito?" Ulit ko sa tanong ko habang nakahalukipkip.

Muli siyang ngumisi at nagkibit balikat. "Susundin ka. Baka mailang ka sa bago nating school e. Di ka naman kasi sanay sa mga normal schools"

Umismid ako at inirapan siya. "Normal ang school ko dati"

"Psh. Boring kaya yun. All girls? Tapos mga madre pa ang teachers niyo, ano yun puro dasal lang kayo?" Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan lang niya ako at nagpeace sign pa.

"Oh! Hi, Ly! Fancy seeing you here!" Napalingon ako sa likod ko nang makita kong bumaba mula sa hagdan ni Mommy. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin kay Ly. Nilampasan pa nga ako nito at diretsong bumeso sa lalaki. "What brings you here?"

Sumulyap muna sa'kin si Ly at pasimpleng kumindat bago muling hinarap si Mommy. "Susunduin ko po si Kay. Baka po kasi mailang siya sa school namin"

Lalo namang lumapad ang ngiti ni Mommy dahil sa narinig. Bumaling ito sa akin at pasimpleng pinanlakihan ako ng mata. "Sweetheart, bilisan mo nang kumilos. Nakakahiyang paghintayin si Ly"

Kiming tumango na lang ako bago tumalikod para magtungo sa kusina para kunin ang binalot ko. "Ceelyn, where are you going?"

Napaharap ulit ako kay Mommy nang tawagin niya ako. "Kukunin ko lang po ang baon ko"

"Oh! No need. High School ka na, anak. Di na uso ang baon. Here's your allowance for a week. Basta wag masyado sa junk foods ha" nakangiting sabi niya sabay abot sa akin ng ilang lilibuhin. Nanatiling nakatingin naman ako sa perang hawak ko dahil ngayon lang ako nakahawak ng ganun. Totoo siya at hindi play money, gaya nung mga pinapaproject sa school dati. Totoo ba to? Anong nakain ni Mommy?

Muli siyang bumaling kay Ly. "Ly, bantayan mo nang mabuti tong dalaga ko ha. Wag mong masyadong pakakainin ng mga hindi healthy na foods"

Doon ako napa-angat ng tingin at kunot noong hinarap si Mommy. "Mom, I'm not his responsibi --"

"No worries, Tita. Ako na po ang bahala kay Kaycee. Makaka-asa po kayong nasa mabuti siyang mga kamay" nakangising putol ni Ly sa sasabihin ko kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. Tuwang-tuwang napapalakpak naman si Mommy bago bumaling sa akin.

"Sige na, Sweetie. Baka malate na kayo sa first day of school ninyo. Good luck. I love you!" Malambing na sabi niya at hinalikan pa ako sa pisngi. Hinawakan naman ako ni Ly sa wrist at hinila na. Bumeso pa siya kay Mommy bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

Nang makalabas kami ng gate ay agad akong nagpumiglas para mabitawan ako ni Ly. Hinampas ko siya sa balikat at sinamaan ng tingin. Napangiwi naman siya at hinilot ang parteng hinampas ko. "Aray naman, Kay! Bakit ang hilig niyong manakit na mga babae? Liliit na liliit ninyong tao, kalaki ng ligalig ninyo"

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil bigla akong naguilty. "Ano ba kasing ginagawa mo?" 

"Napag-utusan lang. Come on" nakangusong sabi niya at ipinaling ang ulo sa direksyon ng kotse niya. Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako. Binuksan niya ang pinto ng backseat at sinenyasan akong pumasok.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now