Chapter 38

73 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Hindi ba nawawalang kapatid ni Jamaica si Jaira?" Naiinis na tanong ko kay Andrea habang nakatanaw kami kay Jerick at Jaira na masayang nagtatawanan sa di kalayuan sa amin.

Kagagaling lang namin sa isang boutique para kunin ang mga gowns na gagamitin namin bukas para sa kasal nina Athena at Miguel. Ginawa kong driver si Jerick dahil isang linggo din siyang duty at ngayon ngang day off niya ay bumabawi ako. Tapos itong boutique nga na pinuntahan namin ay malapit sa presinto kung saan nagtatrabaho si Jaira at ngayon nga ay nagchichikahan na sila na parang walang bukas.

Narinig kong natawa si Andrea. "Baka nga. Pareho silang nakakairita. Pero well, bati na naman kami ni Jamaica ngayon kaya solohin mo na lang ang pagkairita"

Inirapan ko si Andeng at muling ibinalik ang nagbabaga kong tingin kay Jerick. Sayang lang at nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi niya nakikita ang pagkainis ko. Ang init-init ng panahon tapos nakatayo pa kami dito sa gilid ng kalsada habang hinihintay kong matapos ang chikahan nila.

Nawala ang inis na nararamdaman ko nang makarinig ako ng kalembang ng ice cream. Nakangiting kumaway-kaway ako kay Kuyang Tindero na mabilis namang lumapit sa amin.

"Ay wow! Namiss kong bumunot sa ganito ah! Kuya, patry nga" excited na sabi ni Andeng sabay abot ng piso kay Kuya. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya na nakafocus doon sa mga maliliit na papel na kulay pula. Ilang sandali pa ay bumunot siya ng papel sa bandang ibaba at unti-unti niya iyong tinuklap.

"534. Madaya, Kuya! May zero ba talaga dito?" Nakasimangot na tanong ni Andeng kay Kuya na napakamot na lang sa ulo niya.

"Anong zero? Saka anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin at muling naglabas ng piso at inabot kay Kuya. "Magaling ako dito nung bata ako. Nakaka-ilang ice cream ako na hindi gumagastos ng malaki"

"Ha?" Pwede pala yun?

"Bubunot ka lang dito ng mga numbers. Pag may zero yung number na nabunot mo, isang ice cream na kaagad yun kahit piso lang ang bayad mo"

"Talaga? Pa-try din!" Excited na kumapa din ako sa bulsa ko ng barya pero sa kasamaang palad ay wala pala akong pera dito dahil naiwan sa sasakyan kaya nangutang na lang ako kay Andrea.

Excited na bumunot din ako ng mga maliit na papel pero sa kasamaang palad ay wala man lang kaming nabunot na number na may zero miski isa.

"Nakakainis, Kuya ha. Madaya 'tong bunutan mo!" Nakangusong sabi ni Andeng. Halos makalbo na nga namin yung palabunutan ni Kuya pero hindi pa rin kami nakalibre ng ice cream.

"Oo nga, Kuya. Pabili na nga lang. Ano bang flavor na meron diyan?" Nakanguso ding tanong ko. Para kaming nalugi ni Andrea pareho. Sabagay, lugi naman talaga.

"Pinipig, cheese, ube at monggo po, mga Ma'am" nakangiting sagot naman ni Kuya. Kaagad na nagtubig ang bagang ko nang marinig ko ang monggo pero nang mapasulyap ako kay Jerick na busy pa rin sa pakikipagchikahan kay Jaira ay nagbago ang isip ko.

"3 pinipig po, Kuya"

"Wow! Himala" natatawang sabi naman ni Andeng na siguro nag-eexpect na yung monggo ang pipiliin ko. Pasimpleng napahaplos ako sa tiyan ko at nakaramdam ako ng lungkot.

Last time kasi na akala naming buntis ako ay bigla akong dinatnan kinagabihan. Dapat magpapacheck up kami kinabukasan pero hindi na ako tumuloy dahil sa lungkot. Maging si Jerick ay nalungkot din noon pero hindi naman siya umalis sa tabi ko at pinapanatag ang loob ko.

Nang maiabot sa amin ni Kuya ang mga ice cream ay walang pakundangang nilantakan ko agad yun. At dahil nga tatlo ang binili ko, hinawakan muna ni Andrea yung isa para mas makakain ako ng ng ayos.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now