Chapter 35

39 4 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Umamin ka nga sa'kin, Kay. Iyan bang lalaking yan, maganda ang trato sayo?" Kaagad na tanong ni Ly pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse niya.

Nagpasundo ako sa kanya ngayon dahil gusto kong dalawin si Kendrix sa camping. Siya kasi yung nakaka-alam ng campsite dahil mahilig din siyang sumama sa mga camping noong high school kami. Si Jerick naman ay may trabaho daw kaya hindi makakasama. Ewan ko ba dun. Di ata nag-aalala para sa anak namin.

Kagabi pa wala yung baby ko. Miss na miss ko na siya. Dagdag pa sa pag-aalala ko na umuulan kagabi. Hindi tuloy ako magsyadong nakatulog.

"O-oo naman. B-bakit?" Di makatinging sagot ko kay Ly habang nagpapanggap na nahihirapan ako sa pag-aayos ng seatbelt ko.

Kinakabahan ako dahil baka nahalata ni Ly ang pagtatalo namin ni Gavin kanina. Ayaw niya kasi akong payagan dahil wala daw mag-aalaga sa kanya. Masama daw ang pakiramdam niya at gusto niyang makasama ako. Balak niyang sa bahay ko matulog ngayong gabi dahil wala nga daw akong kasama pero hindi ako pumayag. Mas nanaig ang pag-aalala at pangungulila ko sa anak ko kaya ayun, nainis na naman siya. Akala ko nga sasampalin niya ako kanina e. Siguro naisip niyang nakatingin si Ly kaya pasimpleng pagpisil na lang sa braso ko ang ginawa niya. Masakit yun. Pakiramdam ko ay magpapasa yun.

"E bakit parang takot na takot ka kanina?" Walang pakundangang tanong ni Ly kaya nakagat ko ang labi ko. Mahirap magsinungaling sa kanya dahil madali niyang nalalaman kung totoo ang sinasabi mo o hindi. Lalo na sa amin na mga kaibigan niya na mula bata ay kilalang kilala niya na.

"Ha? G-guni-guni mo lang yun" patay malisyang sabi ko at saka kinalikot ang music player sa kotse niya para idistract siya. Di naman naglaon ay pumailalim sa buong kotse ang isang kanta na sa pagkakatanda ko ay lalaki ang original singer pero ngayon ay inaawit ito ng isang babaeng may mala-anghel na tinig.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try

Alam kong marami nang nag-cover ng kantang 'to pero iba tong naririnig ko ngayon. Alam mo yung version na parang safe ka, parang pinapatahan ka at parang kino-comfort ka. Ganun kagaling yung singer dahil naramdaman ko yung kanta niya.

'Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song ...

Napakunot ang noo ko. Parang narinig ko na kasi ang boses na 'to noon. Napatingin ako kay Ly para magtanong at natigilan ako nang makita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela at pag-alon ng lalamunan niya.

Napakurap-kurap ako habang pilit inaalala kung saan ko nga ba narinig ang boses na yun at pagkuwa'y nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling hinampas ko sa balikat ang biglang natahimik na si Ly. "Si Andeng yan, di'ba?! Tell me, boses niya yan, di'ba di'ba?!!"

"Aray naman, Kay! Wag kang malikot! Baka mabangga tayo!" Reklamo niya pero hindi ko pa rin tinitigilan ang pagyuyugyog sa balikat niya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko!"

"Oo nga! Now, bitaw na! Wala pa akong planong mamatay! Mag-aasawa pa ako" kaagad ko siyang sinamaan ng tingin at sinabunutan.

"I hate you! Paano mo nagawa yun sa kaibigan ko?! You promise na maghihintay ka hanggang sa makauwi siya tapos ngayon magpapakasal ka na sa iba?! I hate you, Lynard!" Naiiyak na sumbat ko sa kanya kaya kaagad siyang napapreno at takang-takang hinarap ako.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now