Chapter 30

56 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's 

"Kenny can we talk?" nanunubok na tanong ko sa anak ko nang makapasok kami sa kwarto. Kakauwi lang namin mula sa school nila dahil as usual ay ipinatawag na naman ako ng adviser niya dahil nag-cut daw ng class ang anak ko. Hindi ko alam kung saan niya natutunan yun gayong grade 4 pa lamang siya. 

Sa halip na pansinin ako ay nagsuot pa ito ng earphones sa tenga at tinalikuran ako. Basta na lang niya ihinagis ang bag niya sa may couch at naupo sa gilid ng kama. Napabuntong hininga at napailing na lang ako saka lumapit sa kanya. Marahas na hinablot ko sa tenga niya ang earphones at sapilitan siyang pinaharap sa akin. "Sumosobra ka ng bata ka! Bakit ka ba nagkakaganyan? Saan mo natututunan ang mga ganyang bagay?!" 

Mabilis na ibinaling niya ang tingin sa  kabilang direksyon para makaiwas lang sa akin kaya lalo akong nainis. "Talk to me, Kendrix! Ano ba talagang problema mo?!" 

Walang emosyong humarap siya sa akin. Sa mga ganitong pagkakataon, parang nakikita ko yung Daddy niya noong mga bata pa lang kami. Habang nagbibinata kasi siya ay mas lalo siyang nagiging kamukha ng tatay niya. Kaugali pa nga ata. 

"You don't have to know, Mom" 

"What? Bakit hindi ko pwedeng malaman? Anak, I'm your mom. I have all the rights to know what's going on with your life! Ken, hanggang kailan mo ba gagawin sa'kin 'to? Hiyang-hiya na ako sa mga teachers mo. Kaya kong magpatino ng maraming estudyante pero bakit hinding-hindi ko kayang patinuin ang sariling anak ko? Pakiramdam ko tuloy na wala akong kwentang ina dahil sa ginagawa mo!" Nang makita niya ang nag-uunahang mga luha ko ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin at muling isinuot ang earphones niya na tinanggal ko kanina. 

Tuluyang napaiyak ako habang nakatingin sa kanya na parang walang pakialam sa akin. Nang hindi ko makayanan ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Napayakap na lang ako kay Gavin nang makita ko siyang naka-abang sa labas ng pintuan. 

"Shush, baka pagod lang yung bata. Mamaya mo lang kausapin" 

"I think he hates me" sumbong ko sa kanya. 

"Wag mong iisipin yun, babe. He loves you. Baka talagang nagbibinata lang kaya nagkakaganyan" Hinalikan niya ako sa noo at saka inakbayan at bumaba kami sa sala. 

Narito nga pala kami ngayon sa bahay na nabili ko noong nakaraang taon. Dito rin naman ito sa subdivision kung saan nakatira sina Mommy. Ginusto ko lang talagang bumukod dahil lumalaki na rin si Kendrix at kahit papaano ay gusto ko ring may maipundar para sa aming dalawa. Sinuportahan naman ako ni Mommy sa desisyon ko, yun nga lang wag ko daw tuluyang ilalayo sa kanya ang apo niya. Kaya halos ilang bahay lang ang pagitan namin. Okay na rin yun, at least may privacy pa rin kaming mag-ina. 

Naupo si Gavin sa couch at saka niya ako hinila hanggang sa makaupo ako sa tabi niya. Awtomatikong ipinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Sanay na akong ganito siya ka-clingy pero sa di malamang dahilan ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang. "Anong gusto mong kainin? I will cook" 

Napanguso ako. "Wala akong gana" 

Natawa siya at saka mabilis na pinatakan ng halik ang nanunulis kong labi. "Hindi pwedeng hindi kakain. Sige na, anong gusto mo?" 

"Kahit ano na lang" sagot ko sabay iwas ng tingin at pasimpleng lumayo sa kanya. Natawa naman siya at tumayo na saka nagpuntang kusina. Nakatitig lang ako sa papalayo niyang bulto. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Gavin dahil siya yung nandiyan palagi para sa akin lalo na nung mga panahong sobrang down na down ako. He's a partner that everyone would desired to have .. pero may part pa rin talaga sa akin na nagugulat sa mga simple gestures na ginagawa niya. Like that kiss. Sa loob ng dalawang taon na magkarelasyon kami ay hanggang doon pa lamang ang kaya kong ibigay sa kanya dahil hindi pa ako handa pero kailanman ay wala akong narinig na reklamo sa kanya. Inirerespeto niya ang desisyon ko. Ni hindi ko nga matandaaan kung nagkaroon na ba kami ng pag-aaway na dalawa dahil sobrang understanding niya .. hindi kagaya  ni .. Okay, Stop it, Kayceelyn! Don't go there. 

More Than BeforeWhere stories live. Discover now