Chapter 20

60 4 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"May problema ba kayo ni Salvacion?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Mommy habang nasa hapagkainan kami.

"W-wala naman po" Hindi makatinging sagot habang sinusubuan ko ng pagkain si Kendrix. "Anak, kainin mo yung squash. Maganda yan sa health" saway ko sa bata nang iluwa niya ang kalabasa sa plato niya. Ang hirap talagang pakainin ng gulay ng batang 'to.

"I don't wanna!" Nakasimangot na sigaw niya at saka kinain yung hotdog na hawak niya sa magkabilang kamay. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Ang tigas ng ulo. Manang-mana sa pinagmanahan.

Hinayaan ko na lang kumain si Kendrix dahil marunong na naman siya. Makalat lang. Binalingan ko na lang ang sarili kong pagkain dahil aalis pa ako mamaya. Kailangan kong pumunta sa school para kumpletuhin ang mga requirements ko para sa OJT namin next academic year.

"Mommy, where's Daddy?" Pagkuwa'y tanong ni Kendrix kaya natigilan ako. Nung nagtama ang tingin namin ni Mommy ay tinaasan niya ulit ako ng kilay kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

"Work" playing safe na sagot ko dahil alam naman ni Kendrix na nagtatrabaho ang ama niya. Mariing napapikit na lang ako nung nagsimulang mangilid ang luha niya at tuluyang mamula ang mga pisngi niya. Bumilang lang ako ng 1-3 sa isip ko at saktong sa pagpatak ng 3 ay narinig ko na ang iyak ni Kendrix.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Dagdag pang napepressure ako sa mga tingin ni Mommy. Ayaw kong malaman pa niya ang problema namin ni Jerick kahit na alam kong may hinala na siya.

Noon kasing gabi na nagkasagutan kami ni Jerick ay umuwi ako dito sa bahay. Halos isang buwan na kaming narito pero hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin. Hindi siya nagtetext, hindi siya tumatawag. Alam kong dumadalaw siya dito -- dahil palaging may bagong laruan si Kendrix, pero hindi ko siya naaabutan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talagang hindi magpakita sa'kin o kung talagang umiiwas siya.

"San Daddy ko?!!" Nung nagsimula nang magligalig si Kendrix ay wala akong nagawa kundi ang tumayo sa upuan ko at buhatin siya kahit na ang bigat bigat na niya.

"Gusto ko Daddy ko! Where's my Daddy?!" Nagwawala na siya mula sa pagkakakarga ko kaya dahan-dahang ibinaba ko ulit siya bago ko pa siya mabitawan. Nung naibaba ko na siya ay nagsimula na siyang maglupasay sa sahig kaya nahahapong napaupo na din ako sa harapan niya habang nangingilid ang luha.

"I want my Daddy!!" Sumisigok-sigok na siya kaya napapikit na lang ako. Pagkaganitong sinusumpong siya ay hirap na hirap talaga akong paamuin siya kaya ang ending ay nag-iiyakan na lang kami.

"Tawagan mo na nga yung ama niyan,  Kayceelyn! Pag yang bata hinika na naman ha!" Inis na sabi ni Mommy kaya napipilitang napatango ko. Pinahid ko ang mga luha ko at saka hinawakan ang kamay ni Kendrix.

"Hush now, mahal. Uuwi na tayo kay Daddy" nung narinig niya ang sinabi ko ay dinamba niya ako ng yakap. Ang maliliit niyang mga kamay ay pumalibot sa leeg ko at ang mukha niya ay isiniksik sa leeg ko.

"Punta ..  tayo .. Daddy, .. mommy .. ha" sumisigok-sigok pa siya kaya tumango-tango ako at hinaplos haplos ang likod niya. Basang-basa na kaagad ng pawis.

"Opo. Don't cry na ha. Love you" tumango-tango siya kaya tumayo na ako at binuhat siya.

Umakyat kami ni Kendrix sa kwarto ko para mapaliguan ko na siya. Sobrang excited ng anak ko samantalang ako ay kinakabahan. Hindi ko alam kung nasa apartment ba si Jerick kaya kinuha ko muna ang phone ko at tinawagan siya. Napataas na lang ang kilay ko nung nakakaisang ring pa lang ay nasagot na niya ang tawag kaagad.

"Love?" Awtomatikong gumuhit ang init sa mukha ko dahil sa itinawag niya sa'kin. May part sakin na naiinis pa rin sa kanya pero ngayon ay hindi ko maiwasang mamiss niya.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now