Chapter 3

57 6 0
                                    

Kayceelyn Morraine's 

"San ba kasi tayo pupunta, Ly?" takang tanong ko kay Lynard nang basta na lang niya ako sinundo sa bahay at pilit na pinasakay sa kotse niya. Ni hindi pa nga ako nakakapagbihis man lang ng maayos na damit. I'm just wearing my pajamas na usual kong suot everytime na matutulog ako. 

"We're going to surprise Jerick. Today is his birthday. Siguradong magmumukmok lang yun sa bahay nila pag di natin pinuntahan ngayon" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"What? Why didn't he tell me? Magkausap lang kami kagabi until 1 am pero wala man lang siyang sinabi sakin!" Inis na asik ko kaya siguro maging si Mang Andoy na tahimik na nagdadrive sa unahan ay napasulyap sa akin. 

"Naturingan kang best friend pero parang hindi mo kilala yung kaibigan mo. Alam mo namang may pinagdadaanan yung tao. Sa tingin mo, may pakialam pa yun sa birthday niya?" Sarkastikong tanong sakin ni Lynard kaya inirapan ko siya. Naiinis ako kay Jerick pero alam kong may point si Lynard sa mga pinagsasabi niya. 

"Sana man lang pinag-ayos mo ako, ano? Saka ipinagpaalam mo man lang ba ako sa mommy ko?" 

"Of course! Kagabi ko pa tinawagan si Tita. Lakas ko, no?" nakangising tanong niya kaya muli ko siyang inirapan bago pabagsak na na sumandal sa sandalan ng backseat. Napanguso na lang ako nang marealized kong wala akong pera man lang na dala para makabili ng regalo para kay Jerick. Nakakainis kasi si Lynard. Literal na kinaladkad ako palabas ng bahay kanina. Buti na lang nakapaghilamos at toothbrush na ako nung basta na lang siyang pumasok sa kwarto ko. Saka buti na lang din at maagang umalis sina Mommy kanina kundi siguradong masesermunan na naman ako. 

"Bakit nakanguso ka na naman diyan?" natatawang tanong ni Ly kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. 

"Pautangin mo ako. Wala akong dalang pera para makabili ng regalo!" 

Naiiling na dinukot niya sa bulsa ang wallet at mula doon ay naglabas siya ng dalawang libong piso at saka iniabot sa akin. "Honestly, you don't need to buy him something. Your mere presence is enough" 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Why? As if naman hindi kami palaging magkasama" 

Nagkibit balikat siya bago nanagingiting tumingin sa unahan. "You know, he's an aloof person. Kahit nga magkaibigan kami bihirang-bihira niya akong kausapin. Gusto lang niya, nasa isang sulok lang siya at walang pumapansin sa kanya" bahagyang natawa si Ly at napailing bago muling sinalubong ang tingin ko. "But when you came, nanibago ako. Minsan nahuhuli ko na lang siyang nakangiti and napapadalas na rin ang pagsasalita niya. Thank you, Kay" 

Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Hindi ako sanay sa sincerity na sumasalamin sa mga mata ni Ly. Madalas kasing kapilyuhan lang ang nababasa ko doon. Tumikhim ako para mawala ang parang kung anong nakabara sa lalamunan ko. "P-paano ba kayo nagkakilalang dalawa?" 

"He saved my life" maikling sagot ni Ly kaya muli akong napatingin sa kanya. Natawa siya pero nananatiling nasa unahan lang ang tingin niya. "We were classmates since pre-school. Tahimik lang talaga siya kaya walang kumakausap o nakikipaglaro sa kanya. Ako din naman walang pakialam sa kanya noon dahil sobrang dami kong kaibigan. And then nung Grade 2 kami, naisipan namin ng mga kaklase ko na maglaro doon sa may bakanteng lote sa likod ng school since wala pa yung mga sundo namin. Curious din kasi kami kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ng mga teachers ang pumunta dun. So yun, sumuot kami sa alambre tapos doon kami naghabulan. Hindi ko napansin na may malalim na hukay pala doon kaya aksidenteng nahulog ako. I was so scared that time. Sigaw ako nang sigaw pero isang beses lang akong sinilip ng mga kalaro ko tapos umalis na silang lahat at iniwan ako. Ang dilim dilim ng paligid tapos imposimbleng may makarinig sa akin dahil walang taong nagpupunta sa lugar na yun. I was out of breath .. siguro dahil sa takot at pag-iyak, hindi na ako makahinga. Akala ko hindi ko na makikita pang muli sina Inay at Itay until I noticed a light sa bandang uluhan ko. Then, nakarinig ako ng  isang tinig at tinanong ako kung okay lang ba ako pero hindi na ako nakapagsalita dahil hirap na hirap na talaga akong huminga. Nagdidilim na rin ang paningin ko at nakahiga na ako sa lupa. Tapos ilang sandali lang may naramdaman akong tumalon pababa sa hukay para madaluhan ako. Pilit niya akong ginigising. Saka ko lang siya nakilala at hindi ako makapaniwalang siya pa talaga ang tutulong sa akin. Natatawa nga ako dahil for the first time ay narinig ko rin ang boses niya tapos sigaw pa siya nang sigaw" 

More Than BeforeWhere stories live. Discover now