Chapter 40

72 6 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Bakit agang-aga nakasimangot ka?" Kunot noong tanong sa akin ni Mazy nang makasalubong niya ako sa hallway ng building ng Education Department.

"Nakakabwisit kasi si Jerick. Hindi ako ipinagluto ng lomi bago umalis. Gutom na tuloy ako" inis na inis na sabi ko sabay himas sa may kalakihan ko ng tiyan. 6 months na ang baby ko at ang likot likot na niya. Kung ang Kuya niya, trip na trip na patambayin kami sa Guidance office, ito namang baby na 'to trip na trip akong patambayin sa cr. Parang laging sinisipa ang pantog ko dahil lagi akong naiihi.

Natawa si Mazy at napailing. "Edi maglomi tayo diyan kay Kumareng Rose sa tapat. Masarap diyan. Halika, sasamahan kita. Tamang-tama, wala akong klase ngayong oras na 'to"

"Ayoko. Gusto ko luto ni Salvacion. Bwisit na yun! Ang kapal ng mukhang awayin ako kagabi dahil natulog daw akong nakatalikod sa kanya! Tama ba yun? Ang hirap-hirap kayang humanap ng magandang pwesto dahil dala ko 'tong anak niya!" Nakahalukipkip na rant ko na may kasama pang hingal.

Napangiwi si Mazy at napahilot sa sintido niya. "Lahat na lang ba talaga pinag-aawayan ninyong dalawa? Sigurado ba talaga kayong magpapakasal pa kayo sa lagay na yan?"

Dahil sa hitsura niya ay hindi ko maiwasang matawa. Mukhang nakukonsumisyon na siya sa amin ni Jerick. "Chill. Part na ng buhay namin ang pag-aaway. Mas magtaka ka pag hindi na kami nagbabangayan"

Napabuntong hininga siya at napailing. "Ewan ko sa inyong dalawa. Ampunin ko na lang kaya yung mga anak ninyo para free lang kayong mag-away everyday"

Napasimangot ako at inirapan siya. "Lahat na lang gustong ampunin ang mga anak ko. Di ba kayo marunong gumawa ng bata?"

Pabirong hinila niya ang buhok ko. "Gaga. Mahirap gumawa ng bata pag mag-isa lang"

Napataas ang kilay ko. "E hindi naman ata lalaki ang hanap mo e" aware naman kasi kami sa mga nakakarelasyon niya at wala kaming problema dun. Wag na lang talagang mauulit na masasaktan siya physically at talagang sisiguraduhin kong hihimas ng rehas ang taong yun. Mazy is so pure and she deserves all the love in this world.

Nagkibit balikat siya. "Kung anong dumating, go lang. Si Lord na ang bahala dun"

Napangiwi ako nang biglang sumipa ang baby sa tiyan ko. Napakalikot talaga nitong anak ni Salvacion. Mukhang ito ang sakit ng ulo ko. Si Kendrix kasi, hindi masyado noong nasa tiyan ko pa lang siya.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mazy sabay alalay sa akin kaya nginitian ko siya na agad rin namang napawi nung biglang humilab ang tiyan ko. Ang sakit masyado kaya sunod-sunod ang mabibigat na paghinga ko. "Hala ka, namumutla ka na. Dapat kasi nag-leave ka na lang muna e!"

Inalalayan ako ni Mazy hanggang sa makarating kami sa faculty room. Hindi muna kasi ako pumupunta sa office ko dahil tinatamad na akong umakyat ng hagdan. Dito muna ako nagsstay sa faculty room para iwas inip na rin. Hindi na din muna ako kumuha ng klase ngayong sem dahil na rin sa kondisyon ko. Puro office works na lang ang ginagawa ko.

Nang pauupin ako ni Mazy sa swivel chair niya ay pinilit kong magrelax habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko. Nitong nag six months kasi ang tiyan ko ay napapadalas na ang paghilab kaya mas minamabuti ko ang paglalakad-lakad paminsan-minsan.

Inabutan ako ni Mazy ng tubig habang busy siya sa pagkalikot ng phone niya. Nanginginig pa ang kamay at parang aligaga kaya napailing na lang ako. Okay na naman ako. Wala na rin yung sakit.

"Love!" Pagkatapos kong uminom ng tubig ay basta na lang bumukas ang faculty room at pumasok si Jerick na hingal na hingal. Sa tabi ko naman ay narinig kong nakahinga ng maluwag si Mazy nung nakita siya. Napatango-tango na lang ako nang marealized kong siya ang tinetext or tinatawagan ni Mazy kanina.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now