Chapter 6

44 6 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Hi Kay! We are attending Aika's party later. You should join. Miss na miss ka na namin e" Natigil ako sa ginagawa kong paggugupit ng mga strips of colored papers para gawing basket nang kunin ni Cailee ang atensyon ko. Isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa St. Magdalene nung elementary.

"Ahm .. I can't, Cai. Di rin ako papayagan ng mommy ko" malumanay na tanggi ko sa kanya.

Ngumisi si Cailee at bahagyang lumapit sa akin. Ang kanyang humahalimuyak na amoy ay siyang nakapagpangiwi sa akin dahil parang bigla akong nahilo. Ang kanyang mukha ay nababalutan ng makapal na kolorete na parang hindi angkop sa uniporme naming puting puti. Ang prescribed length noon ay dapat below the knee ngunit sa kanya ay hindi man lang umabot ng tuhod. Nakakapanibago. Hindi siya ganito bago ako lumipat ng paaralan .. maging ang iba ko pang dating mga kaibigan ay sa tigin ko'y malaki rin ang ipinagbago.

"Sometimes, you need to break some rules, Kays. Di na uso sa ngayon yung sobrang bait. Di mo maeenjoy ang teenage life mo niyan" bulong niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

"H-hindi mo kilala ang mommy ko, Cai" kinakabahang sabi ko sa kanya. Natatakot kasi talaga akong maulit ulit ang pagkakataon na saktan niya ako.

"So papayag ka na lang ng ganiyan? Are you happy?" Napayuko ako sa tanong niya.

"Basta happy ang mommy ko, masaya na rin ako" mahinang sagot ko pagkuwan kaya natawa siya at napailing.

"Okay. If that's what you want. But if ever you change your mind, call me ha. I have to go" tumayo na siya at isinakbit ang bag saka bumeso sa akin. Napabuntong hininga na lang ako nung nakaalis na siya.

Iniligpit ko na lang din ang mga gamit ko at pagtapos nun ay lumabas na ako ng classroom namin. Maaga kasi ang dismissal namin kanina kaya naisingit ko ang paggagawa ng project namin habang hinihintay ko ang sundo ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ng building namin ay hindi ko maiwasang malungkot. Nakakamiss yung maingay na surroundings. Sa STAA, pag ganitong uwian makakarinig ka ng sigawan, asaran at makakakita ka ng mga nagtatakbuhang estudyante. Nakakamiss din pala .. at lalo't higit nakakamiss ang mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Nasa limang buwan na rin kaming hindi nagkikita-kita. Hanggang ngayon kasi ay school-bahay lang ako. Hindi pa ulit ako pinapayagan ni mommy na gumala kung saan maliban na lang nung Recognition day.

That recognition day .. kung saan tuluyan akong tinalikuran ng taong akala ko'y kahuli-hulihang mang-iiwan sa akin. Nasasaktan ako .. pero ganun siguro talaga. Walang taong permanente sa buhay mo.

Napatingin ako sa kalangitan nang maramdaman kong may pumapatak sa aking mukha. Umaambon pala .. kaya pala bahagyang madilim ang paligid. Ngunit sa halip na bumalik sa building namin para pansamantalang sumilong ay nanatili lang ako sa field habang yakap-yakap ang ilang mga libro ko. Sa hindi malamang dahilan ay ayaw humakbang mg mga paa ko para dagling kumanlong sa kahit anong bubong para pansamantalang makatakas sa ulan at sa maaaring sakit na idudulot nito sa akin.

Kasabay ng paglakas ng ulan ay ang pagmamalabis din ng pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko. Bihirang bihira akong umiyak ngunit pag nasimulan ko ito ay hirap na hirap na akong tumahan. Siguro ay dahil nakikimkim ng matagal na panahon ang lahat ng sama ng loob ko.

Napakurap-kurap ako nang biglang nawala ang pakiramdam na may tumatatama sa aking tubig. Tumingala ako at bahagyang nagulat nang makitang may payong nang nasa itaas ng ulo ko para hindi ako tuluyang mabasa. Nang lingunin ko ang may-ari ng estrangherong payong ay gayun na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang makita ko ang taong akala ko ay hindi ko na muling makikita pa.

More Than BeforeWhere stories live. Discover now