Chapter 29

46 4 0
                                    

Kayceelyn Morraine's 

"May kayabangan din si Doc, no?" tatawa-tawang sabi ni Mazy pagkaalis na pagkaalis ni Doc Guevarra --isa sa mga inimbitahan namin bilang guest speaker sa symposium ng mga estudyante. Kasalukuyang narito kami sa mall para formal na imbitahan ang lalaki at ito ang napili niyang meeting place namin. 

"May ipagyayabang naman e" sagot naman ni Gavin kaya napailing na lang ako at tumayo na. Actually, kanina pa rin ako nagpipigil ng inis dun sa lalaking kausap namin kanina. Akala mo naman utang na loob pa namin na kunin siya bilang tagapagsalita. Kung di nga lang magagalit ang President ng school ay ako na lamang ang pipili ng taong pwdeng mag-inspire sa mga mag-aaral namin. Ang dami kong kakilala na mga successful na mga taong hindi naman nababalutan ng ere sa katawan. 

"Kay sandali! Busy ka? Nagmamadali?" habol sa akin ni Mazy nang makalabas ako ng restaurant na napili din ni Doc. Guevarra kanina. 

"Duty si Jerick sa trabaho ngayon kaya ako ang nakatoka na sumundo kay Kendrix" sagot ko kay Mazy habang nakatingin sa wristwatch ko. Maaga pa naman. 2 pm pa lang, mamayang 3:30 pa ang tapos ng klase ni Kenny. 

"Ah talaga ba? Sayang. Manlilibre pa naman si Daddy ng ice cream, di'ba Daddy?" nakangising tanong ni Mazy kay Gavin na awtomatikong sumimangot naman. 

"Don't call me that! Hindi pa ako pumapayag na ampunin ka!" 

Binelatan lang naman siya ni Mazy at saka ito umangkla sa braso ko. "Wala kang magagawa, Daddy!" 

"Bawal ang malakas kumain sa bahay namin! Itatakwil ka din ng nanay ko!" 

"Really? Last time I checked, your mom loves me! Kaya nga binilhan niya pa ako ng sariling lunch box e!" napailing na lang ako sa kanila at napahilot sa sintido ko. Sanay na sanay na ako sa mga asaran  nila pero wala talaga ako sa mood na makipagsabayan sa kanila ngayon. 

Sobrang stressful ng mga nagdaang araw, buwan at taon para sa akin. Dahil nga siguro sa sobrang daming nangyayari sa paligid ko, nakikita ko na lang yung sarili kong umiiyak gabi-gabi. 

It was started nung nangyari yung insidente sa rest house nina Jarred. Dahil doon, lumayo siya sa amin at wala na kaming kabali-balita sa kanya ngayon. And then there's Jerick na tuluyang tinalikuran na ako. Actually, we're okay. We talk, we seldom fight and we get along together lalo na pag tungkol kay Kendrix pero ramdam na ramdam mo yung gap. Then nitong nakaraan lang, si Athena at Miguel naman ang nagkaproblema. They ended their relationship and God knows where they are now. Andeng is still in London and Hans is in New York. Watak-watak na ang barkada kaya mas lalong mahirap. Wala na lalo akong mapagsumbungan ng mga nararamdaman at hinanakit ko. 

Dagdag pang simula nung ipinaliwanag namin kay Kendrix ang sitwasyon namin ng Daddy niya ay lalo siyang naging sutil to the point na bago siya mag grade 3 ay nakatatlong school na rin siya. According to his teachers, hindi naman siya malikot. Yun nga lang, basta na lang daw nanununtok. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan, gusto ko na lang puntahan si Jerick para magsumbong ng lahat ng hinanakit ko pero nauunahan ako ng hiya. He clearly said na si Kendrix na lang talaga ang koneksyong mayroon kami. It's been two years pero parang sirang plaka pa ring nagpe-play sa utak ko yung mga sinabi niya sa akin noong gabing yun. 

"I need to go. Ayokong maghintay si Kendrix nang matagal" paalam ko sa dalawa pero inakbayan lang ako ni Gavin at bahagyang pinisil ang balikat ko. 

"Sige na, sumama ka na sa'min. Manlilibre na ako ng ice cream tapos sasamahan pa kitang sunduin si Kendrix. Maaga pa naman" he gave me a genuine smile tapos si Mazy naman ay muling umangkla sa braso ko at humilig pa sa balikat ko. Hindi ko alam kung may alam ba sila sa mga pinagdadaanan ko pero na-appreciate ko na hindi nila ako pinapabayaang magmukmok na lang sa isang sulok lalo na pag nasa school kami. They always asked me if I'm okay .. pero palaging hindi ko naman masagot ang katanungan nilang iyon. 

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon