Chapter 9

45 6 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"I'm really really sorry, Samara" agad na napahinto ako mula sa pagbaba ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Jerick. Nagising kasi akong mag-isa na lang sa kwarto at wala na siya sa tabi ko. Balak ko na sanang magpaalam dahil kailangan ko nang umuwi. Sinubukan kong sumilip at ganun na lang ang pagsigid ng sakit sa dibdib ko, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko nang makita ko silang dalawa ni Mara na magkayakap sa paanan ng hagdan.

Anong ginagawa ng babaeng 'to dito ng ganito kaaga? Bakit sila magkayakap?

"You told me that everything was okay! Bakit ganun pa rin ang nangyari?!" Puno ng hinanakit ang boses ni Mara. Sinusuntok suntok niya si Jerick sa dibdib at sinusubukang lumayo pero nanatiling nakayakap lang sa kanya ang huli na parang pinapakalma siya.

Hindi ko na nagawang marinig pa ang sunod nilang pinag-usapan dahil mas pinili ko na lang ang bumalik sa kwarto dahil hindi ko na kakayanin pang makita ang mga susunod na eksena.

Akala ko kagabi, okay na ulit kami. Natulog kaming magkatabi kaya umaasa akong gigising din ako na nakayakap pa rin siya sa akin. Ano ba talagang meron sa kanila ni Mara? Sila na ba? Mahal na ba niya yung babae? Paano na ako? Kakayanin ko ba?

Nang makabalik ako sa kwarto ay naupo ako sa edge ng kama at sinuntok suntok ang dibdib ko dahil sa namumuong sakit na nararamdaman ko doon. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko at hindi ko na rin napigilan ang mapahagulhol.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Mula doon ay pumasok si Jerick na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang dahan-dahan siyang lumalakad papalapit sa akin. Kababakasan pa rin ng kalituhan ang mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin. Siguro sobrang pathetic ko ng mga oras na 'to.

Nung nakarating siya sa harapan ko ay hindi niya alam kung paano ako hahawakan. Tiningala ko siya at ako na mismo ang humawak sa kamay niya gamit ang nanginginig na kamay ko.

"J --"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bumitaw siya sa akin. "Kailangan kong ihatid si Samara. You can stay here pero kung kailangan mo nang umuwi ay maiintindihan ko"

Tumalikod na siya sa akin pero naglakas ako ng loob na humabol. Bago pa siya makalapit sa pinto ay niyakap ko siya mula sa likod. "Don't leave me please"

Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya pero mas hinigpitan ko lang ang hawak ko. I will not let go. I don't want to let go.

"Kailangan ako ni Samara, Kay" mahina at malumanay na sabi niya pero sapat na para muling mag-iwan ng sugat sa puso ko.

"L-last night, nagmakaawa ka na wag kitang iwan .. kasi ayaw mong mag-isa. Kasi kailangan mo ako. Alam kong lasing ka lang nun pero ginawa ko pa rin ang gusto mo. Hindi kita iniwan. Ngayon, ako naman ang may kailangan sayo .. ako naman ngayon ang ayaw mag-isa .. gagawin mo rin ba ang ginawa ko kagabi?" I may be sounded desperate but I want to hold on. Alam kong siya pa rin ang lalaking minahal ko na hinding-hinding kayang tiising umiiyak ako.

Bumuntong hininga siya at pilit na tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Humarap siya sa akin at sinapo ang mukha ko. Napapikit na lang ako nung pinunasan niya ang mga luha ko. "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo"

Muli akong napaiyak at nagmamakaawang tumingin sa kanya. Marahas akong umiling-iling at yumakap sa kanya. "Isn't that being unfair, J? I'm sorry sa mga nasabi ko noon. Alam kong nasaktan kita pero bakit grabe naman yung balik mo sa'kin? Mas masakit"

"Kay, Samara needs me --"

"I need you, too! Kailangan din kita dahil gulong-gulo na ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Ano bang meron si Mara na wala ako?! Answer me!" Hindi ko na napigilan ang pagtataas ng boses na siyang ikinagulat niya. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling yun at hindi ko rin alam kung paano ko nagawang sumigaw pero punong-puno na talaga ako sa kaka-Samara niya! "I only have you, J! Ikaw na lang ang itinuturing kong kakampi mula nung nawala ang daddy ko! Wag mo naman akong talikuran ng basta-basta!"

More Than BeforeWhere stories live. Discover now